Thursday, January 31, 2008

Crush

This is a true story about a girl have a crush on her schoolmate. The girl who has special needs and her name is ‘Kaye’. She can’t walk and she sits on the wheel chair. She’s bright and jolly person. She goes to school M.R SPED Class. At first she’s shy to everone and now she has many friends. The name of her crush is ‘Ely’ and he is from the H.I. (Hearing Impaired) He can’t talk and hear. But at first she ignores him.


After class, she’s waiting for her mother outside the room. She saw a boy. She asks her friend for the boy’s name. She found out the boy’s name is ‘Jay’. She didn’t tell to her friend that she has a crush on him. Everytime she has a secret she tells it to her mother.


One day, she found out that he is arrogant and she had no crush on him because of that.


During school, the teacher of ‘Kaye’ left the class. She and her classmates are reading there books. Suddenly, she’s looking outside of there window and she saw a boy. She ignores him all the time she saw him but now she think it’s just an admiration and inspirations.


Everytime she saw him, she feel her day is complete. Even he ignores her. She smile at him and sometimes he smile at her.

Every night, she imagines that ‘Ely’ is her boyfriend. They’re laugh together and they’re always there for each other. She always wishes that they can understand each other. She wishes that she can hear him and talk with him. So they can be friend or boyfriend. Because she knows he is kind.

One day, H.I. and M.R. class have an activity on the covered-court. ‘Ely pushes her wheel chair and her to the covered-court. She is blushed and her friend said, ‘oh, you are blushing, if I know you have a crush on him.’ and she answer, ‘no, I don’t have a crush on him.’

That day is memorable to her. One day she writes a love story and she realizes that she can be a writer. She tells her mother to read her composition. Her mother said, ‘wow, it’s great! I didn’t know you have a talent writing love stories.’ she said, ‘I have inspiration. I will not forget that moment and because of him I found out that I can be a writer.’

‘Ely’ graduated last April 2005. At first she was sad because she will not saw him anymore in the school. But she knows someday she will see him and she promise to herself that ‘Ely’ will be her crush forever. ‘Kaye’ continues writes love stories.

It’s not a happy ending for ‘Kaye’ but life must go on…

Tuesday, January 29, 2008

Love is All That Matter


May isang mag-asawa na napaka yaman. Pero 3 taon na silang nagsasama pero hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Ang pangalan ng mag-asawa ay sina Mr. Albert Lopez at Mrs. Gina Lopez.

Isang araw nagpunta ang mag-asawa sa kanilang duktor at para nagpa-check up sila. Sabi ng duktor sa mag-asawa: “Good news Mr. & Mrs. Lopez magkakaanak na kayo.

Napakasaya ng mag-asawa. Inaalagaan nila ang bata kahit nasa loob pa ito ng tyan ni Gina.
7 buwan ang nakalipas at malaki na ang tyan ni Gina. Minsan ng gabi natutulog ang mag-asawa. Biglang sumakit ang tyan ni Gina. Ginising niya si Albert at sabi ni Gina: “Albert, gising, manganganak na ako!”

Agad gumising si Albert at madaling dinala niya ang kanyang asawa sa uspital.
Ilang oras ang nakalipas nanganak na si Gina. Babae ang anak nila Albert at Gina at masayang-masaya ang mag-asawa. Panangalanan nila ang bata ng Angelica.

Agrarian ng 8 na buwan pina-check up nila si Angelica sa duktor. May nadiskobreng sakit ang duktor kay Angelica. Sabi ng duktor sa mag-asawa: “Kinakakalungkot ko pong sabihin sa inyo na may sakit ang anak ninyo.”
“Paano magkakasakit ang anak namin? Inaalagaan naman namin ang anak namin. Anong sakit ni Angelica?” Tanong ni Albert.

“Cerebral palsy po ang sakit ng anak ninyo. Kulang sa buwan po siya yung pinanganak po siya ni Mrs. Lopez. Posibleng hindi makalakad ang anak at hindi magalaw ng normal ang kanyang kamay.” Sabi ng duktor.
“Ano ba gamot po sa case ni Angelica? Posible po bang makalakad siya?” Tanong ni Gina.
“Through therapy po pwede.” Sagot ng duktor at marami pa silang pinag-usapan tungkol sa sakit ni Angelica.
Pagkauwi pamilya sa bahay, napakalungkot ni Gina. Iyak siya ng iyak.
“Gina, huwag ka na malungkot. Maniwala ka sa himala ng Dyos. Sabi pa nga ng duktor through therapy pwedeng makalakad ang anak natin.” Sabi ni Albert.
Pagkatapos ng 21 na taon pinalaki ng mag-asawa ng normal ang buhay ni Angelica at lumaki siya na nakaupo lagi sa wheel chair. 21 na taon din siya Angelica na nag papa-therapy at normal naman nakakagalaw ang kamay niya. Lumaki din siyang maganda, mabait at matalinong bata. Nakakapag-aral din siya sa regular school at lagi siyang honor sa kanyang eskwela.

Isang araw naghanap si Gina ng hardenero. May nag-apply na lalaking kaidad ni Angelica. Gwapo ito at mukhang mabait.
“Ako po Erik Bautista. Walang galang po, naghahanap po ba kayo hardinero? Mag-aapply po sana ako.” Tanong ng binata.
“Ako naman si Gina Lopez. Oo, naghahanap kami. P2,500 ang sweldo. Marunong ka naman bang mag-alaga ng halaman? Sabi ni Gina sa binata.
”Opo naman. Nagtrabaho na po ako sa flower shop dati. Tanggap na po ba ako?” sabi ni Erik.
“Oo tanggap ka na. Pwede ka ng magsimula.” Sagot ni Gina.

Pinapasok ni Gina sa loob ng bahay si Erik at pinakilala niya ito kay Albert at kay Angelica. “Anak, siya ang ating bagong hardinero si Erik. Ito naman ang asawa ko si Albert at kakaisa naming anak si Angelica.

“Hello Angelica! Napakaganda naman po ng anak niyo.” Sabi ni Erik.
Nagsimula na si Erik sa kanyang trabaho.

Isang araw nagdidilig si Erik sa hardin. May narinig siyang magandang boses na kumakanta. Hinanap niya ito at nakita niya si Angelica na kamakanta. Angelica, maganda pala ang boses mo. Alam mo pwede kang sumali sa singing contest. Sabi ni Erik kay Angelica.

Ngumiti si Angelica at sinabi: “Salamat sa puri. Paano ako makakasali sa mga contest kung ganto ang kalagayan ko.”

“Pwede ka naman sumali ha kahit ganynan ka. Angelica, may mga kaibigan ka ba?” Tanong ni Erik kay Angelica.
“Oo, pero mga pinsan ko lang.” Sagut ni Angelica.
“Simula ngayon magkaibigan na tayo.” Sabi ni Erik kay Angelica.
Tuwang-tuwa sinabi ni Angelica: “Talaga magkaibigan na? Ang saya-saya ko naman!”
Simula noon naging mabuting magkaigan na sila Angelica at si Erik. Lagi sila mag-usap, kumakanta at nagsasabihan sila ng mga sikreto.

Isang araw nakita ni Angelica sa labas ng bahay si Erik na may nililigawan. Napaiyak siys sa isang sulok. Nakita siya ni Daddy niya na umiiyak sa isang sulok. Tinanong niya si Angelica. “Anak, mahal mo si Erik?”
“Opo Daddy, pero sino naman ang magmamahal sa akin kung ganto ang kalagaya ko?” Malungkot na sinabi ni Angelica sa kanyang ama.

“Anak, hindi totoo iyan. Balang araw makakahanap ka rin ng magmamahal sa iyo.” Sabi ni Albert.

Isang gabi nangungutang si Erik ng P1,000 sa kanyang Sir Albert. Sabi naman ni Albert: “Hindi lang P1,000 ang ibibigayan sa iyo, kun hindi ang kalahati ng kayamanan ko. Basta’t paligayahin mo at pakasalan mo lang si Angelica. Ibibigay ko sa iyo ang bago mong pakasalan siya.”

Napag-isip si Erik at sinabi ni Erik: “Gagawin ko ang sinabi ninyo. Pero hindi po ako mangangako”

Sinabi niya ito sa kanyang asawa at nagalit si Gina sa kanyang asawa at sinabi: “Hindi ko lubos akalain na gagawin mo yun sa anak natin. Lolokohin natin ang anak natin?”
“Oo, basta’t lumigaya ang anak natin. Gagawin ko ang lahat para lumigaya siya.” Sagot ni Albert sa kanyang asawa.
Pumayag na si Gina sa kasunduan.
Kinabukasan may dala si Erik na mga rosas. Ibibigay niya ito kay Angelica. Para manligaw at sinabi: “Para sa iyo Angelica. Gusto ko sana higit sa magkaibigan tayo. Kung ok lang sa iyo?”
Takang-taka si Angelica at tinanong niya si Erik. “Ano liligawan mo ako? Ano ba ang nakain mo?”
“Oo napag-isip-isip ko kasi kahit ganyan ka pwede ko naman ikaw mahalin.” Sagot ni Erik.

“Totoo ba yan? Nakita ko ikaw kahapon may nililigawan ka diyan sa kapitbahay ha.” Sabi ni Angelica.
”Yun ba? Kaibigan ko lang yun.” Sagot ni Erik.

Hindi nagtagal sinagot na ni Angelica si Erik at niyaya na ni Erik si Angelica magpakasal. Napakasaya ni Angelica dahil papakasalan na siya ni Erik.

Minsan ng gabi nanag-inip si Erik ng masama. Nakakalakad na si Angelica at nakaupo naman si Erik sa wheel chair. Nakita niya si Angelica na may kasamang lalaki. Biglang nagising siya. Nagising siya sa katotohanan na napamahal na siya kay Angelica.

Kinabukasan pumunta ng maaga siya sa bahay nila Angelica at kinausap niya si Albert. “Sir Albert, hindi ko matatangap ang kalahati ng kayamanan ninyo. Dahil napamahal na ako kay Angelica.
Hindi alam ni Erik na narinig ni Angelica ang usapan nila.
Lumabas si Angelica na umiiyak at sabi niya: “Niloko ninyo ako. Minahal mo lang ako dahil sa pera.”
“Hindi yan totoo. Mahal kita. Oo dati niligawan kita dahil sa pera. Pero ngayon mahal na kita.” Sagot ni Erik.
“Totoo ba yun Daddy?” Tanong ni Angelica kay Albert.
“Oo totoo yan Anak. Inaluk ko si Erik ng pera dati. Pero ngayon tinanggihan na niya.” Sagot ni Albert.
Napatunayan ni Erik na mahal na niya si Angelica. Niyakap ni Erik si Angelica ng mahigpit at sinabi: “ Sorry niloko kita. Papakasalan kita hindi dahil sa may pera. Papakasalan kita dahil mahal kita.”

Hindi nagtagal nagpakasal na sila Angelica at si Erik.
Masayang nagsasama ang mag-asawa at hindi nagtagal biniyayaan sila ng Dyos ng malusog na anak. Pinangalan nila ang anak nila na Erica at naging manager si Erik sa kumpanya nila Angelica. At namuhay sila ng masaya.