Sa katunayan ay 25% true story ito at totoong nangyari sa akin ito. Kaya
nahihirapan akong balikan ang nakaraan ko.
Matutungahayan dito na "true love conquers all" at wala silang
pakilaalam na kahit may kapansan ay makakahanap ng true love.
---
Kilalanin natin si Kaye Santos..
Ako si Kaye Santos, 18 years old. Nag-iisang anak
nila Francis Santos at Yolly Santos. Ako ay may cerebral palsy. Hindi man
nakakalakad pero ayos lang naman ako dahil punung-puno ako ng pagmamahal galing
sa mga magulang ko at kapamilya.
Lagi akong nakaupo sa wheel chair. Sa bahay man o sa labas. Kamay ang
aking ginagamit kapag kumakain ako, mag-computer, magbanyo at etc.
Masayahin, talented, joker at matalino ang laging sinasabi sa akin at
noong debut ko, niregaluhan ako nila Mama ng cellphone.
“Mama, Papa, salamat po sa regalo ninyo pong cellphone.” Masayang sabi
ko sa aking magulang.
“Kaye, wala iyon. Basta magpapakabait ka lang ha.” Sabi ng aking Mama
na may ngiti sa kanyang mga mata.
Pinag-aralan ko na ito gamit ang aking mga kamay. Kahit hirap man ako
sa paggamit at nanginginig sa pagtipa ng aking cellphone, nag-eenjoy naman ako
at habang natututo ay lagi ko ng nakaka-text ang aking mga pinsan, tiyo at
tiya.
Kapag wala naman si Papa at kapag nasa out of town siya, tinatawagan
niya ako.
Minsan, tinawagan niya ako. “Hello Kaye.” Bati niya sa akin.
“Hello Papa, kumusta po?” Masayang pagbati ko kaya Papa.
“Ayus lang Anak.” Sagot niya na nakangiti. “ikaw kumusta na? Anong gusto
mong pasalubong?” tanong niya sa akin.
“Papa, ayus lang naman po kami ni Mama. Hindi naman niya ako
pinapabayaan.” Sagot ko kay Papa. “Pasalubong ? Ngiti mo lang po
ayus na.” Biro ko sa aking ama.
“Hahaha. Sige ba. Maasim ba na ngiti o matamis na ngiti?” Biro niya sa
akin. “Sige na Anak. May trabaho pa si Papa. Bukas uuwi na ako.” Paalam niya.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga at tinawag ko agad si Mama. “Ma,
gising na po ako.”
“Good morning Anak.” Pagbati ni Mama sa akin. “Alam mong maagang uuwi
si Papa mo kaya maaga kang nagising noh.” Sabi niya.
“Excited lang po ako para makita si
Papa.”
“Tara na. Nagluto ako ng paborito mong hotcake.” Sabi ni Mama.
“Wow.” Sabi ko na may ngiti.
Hinawakan na ako ni Mama, pinalakad papuntang banyo at pagkatapos ay
pinunta niya ako sa dining area para kumain.
Habang kumakain, nakita ko bintana na may bumubusina sa tapat ng bahay
namin. Maya-maya ay nakita ko na si Papa at may dala-dala.
“Aba. Ang aga mong gumising ng anak ko ah.” Sabi ni Papa. “Anak, para
sa iyo.” May inabot sa akin si Papa na paper bag at binuksan ko naman. Ang
laman ay pink na blouse.
“Salamat Papa. Ang ganda naman po.” Ani ko na may ngiti.
Ramdam ko talaga ang pagmamahal ng aking mga magulang. Laki ng
pasasalamat ko sa Dyos na sila ang naging magulang ko at hindi nila ako
pinapabayaan.
Kilalanin natin si Kaye Santos..
Ako si Kaye Santos, 18 years old. Nag-iisang anak
nila Francis Santos at Yolly Santos. Ako ay may cerebral palsy. Hindi man
nakakalakad pero ayos lang naman ako dahil punung-puno ako ng pagmamahal galing
sa mga magulang ko at kapamilya.
Lagi akong nakaupo sa wheel chair. Sa bahay man o sa labas. Kamay ang
aking ginagamit kapag kumakain ako, mag-computer, magbanyo at etc.
Masayahin, talented, joker at matalino ang laging sinasabi sa akin at
noong debut ko, niregaluhan ako nila Mama ng cellphone.
“Mama, Papa, salamat po sa regalo ninyo pong cellphone.” Masayang sabi
ko sa aking magulang.
“Kaye, wala iyon. Basta magpapakabait ka lang ha.” Sabi ng aking Mama
na may ngiti sa kanyang mga mata.
Pinag-aralan ko na ito gamit ang aking mga kamay. Kahit hirap man ako
sa paggamit at nanginginig sa pagtipa ng aking cellphone, nag-eenjoy naman ako
at habang natututo ay lagi ko ng nakaka-text ang aking mga pinsan, tiyo at
tiya.
Kapag wala naman si Papa at kapag nasa out of town siya, tinatawagan
niya ako.
Minsan, tinawagan niya ako. “Hello Kaye.” Bati niya sa akin.
“Hello Papa, kumusta po?” Masayang pagbati ko kaya Papa.
“Ayus lang Anak.” Sagot niya na nakangiti. “ikaw kumusta na? Anong
gusto mong pasalubong?” tanong niya sa akin.
“Papa, ayus lang naman po kami ni Mama. Hindi naman niya ako pinapabayaan.”
Sagot ko kay Papa. “Pasalubong ? Ngiti mo lang po ayus na.” Biro ko
sa aking ama.
“Hahaha. Sige ba. Maasim ba na ngiti o matamis na ngiti?” Biro niya sa
akin. “Sige na Anak. May trabaho pa si Papa. Bukas uuwi na ako.” Paalam niya.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga at tinawag ko agad si Mama. “Ma,
gising na po ako.”
“Good morning Anak.” Pagbati ni Mama sa akin. “Alam mong maagang uuwi
si Papa mo kaya maaga kang nagising noh.” Sabi niya.
“Excited lang po ako para makita si Papa.”
“Tara na. Nagluto ako ng paborito mong hotcake.” Sabi ni Mama.
“Wow.” Sabi ko na may ngiti.
Hinawakan na ako ni Mama, pinalakad papuntang banyo at pagkatapos ay
pinunta niya ako sa dining area para kumain.
Habang kumakain, nakita ko bintana na may bumubusina sa tapat ng bahay
namin. Maya-maya ay nakita ko na si Papa at may dala-dala.
“Aba. Ang aga mong gumising ng anak ko ah.” Sabi ni Papa. “Anak, para
sa iyo.” May inabot sa akin si Papa na paper bag at binuksan ko naman. Ang
laman ay pink na blouse.
“Salamat Papa. Ang ganda naman po.” Ani ko na may ngiti.
Ramdam ko talaga ang pagmamahal ng aking mga magulang. Laki ng
pasasalamat ko sa Dyos na sila ang naging magulang ko at hindi nila ako
pinapabayaan.
Niyaya ako ni Papa lumabas at magpunta sa isang restaurant, para
kumain ng tanghalian, “Papa, pupunta po dito si Ate Mae. Bibisitahin po ako.”
Sabi ko kay Papa.
“ Kaye, isama na lang natin siya. Doon na lang kayo magkwentuhan.”
Sagot ng aking Mama.
“Sige po.” Ani ko kay Mama sabay ngiti.
Si Ate Mae ay pinsan ko na malapit sa aking puso. Lagi niya akong
dinadalaw kapag may free time siya. Siya din ang aking best friend. Kapag may
secret ako, siya ang unang sinasabihan ko o kapag may dinaramdam o may sumpong
ako dahil wala akong magawa sa bahay, tinatawagan agad siya ni Mama para amuhin
ako. Sinasabihan din niya ako ng problema at sikreto.
Salamat laging nandyaan si Ate Mae. Laging umiintindi kahit wala
siyang responsibilidad sa akin. Mahal na mahal ko
si Ate Mae.
11:am: napaliguan na ako ni Mama tapos tinext ko si Ate Mae. “Ate
Mae, nasaan ka na?"
“Nasa bahay pa lang ako. 1pm pa ako pupunta dyan.” Reply ni Ate Mae.
“1pm pa pala pupunta dito si Ate Mae.” Sabi ko kila Mama at Papa na
kasama ko sa sala.
“Tara na. sunduin na lang natin siya. Para maaga din tayong makauwi.
Itext mo na lang si Ate Mae mo”, Sabi ni Mama.
“Sige po.” Sabi ko kay Mama sabay ngiti. Itinext ko agad si Ate Mae.
“Susunduin ka namin. Kain tayo sa restaurant.”
“Sige. Tamang tama ako lang ang mag-isa sa bahay.” Reply ni Ate Mae.
Pagka-reply niya sa akin, pinalakad na ako ni Mama papuntang kotse,
habang nilagay ni Papa ang wheelchare ko sa likod ng kotse.
Pagkasundo namin kay Ate Mae, dumeretso na kami sa restaurant. After
30 min. nandoon na kami sa restaurant.
Pinapagtinginan ako ng mga tao lalo na ng mga bata. Niyuko ko na lang
ang sarili ko habang nahihiya at konting inis sa mga tao.
“Kaye, huwag kang yumuko. Alam ko ang iniisip mo. Itaas mo ang ulo mo
at smile ka lang. Huwag mo silang pansinin.” Sabi ni Ate Mae na nakangiti.
Tinaas nya ang ulo ko at inayos ang buhok ko.
“Salamat Ate.” Sabi ko sabay ngati. Tama si Ate Mae dapat huwag akong
yumuko at hindi na ako yuyuko kapag madaming nakatingin sa akin.
Umorder na sila Mama at Papa ng pagkain. Habang hinihintay namin ang
order may kiniwento si Ate Mae sa
akin.
“May nagpa-missed call ba sa iyo kanina?” Tanong niya
“Oo. tapos nagtext. Sabi ikaw ba si Kaye.” Sagot ko.
“Michael yun. Schoolmate ko noong high school. Sana sumagot ka.”
”Ayaw ko nga. Hindi ko naman siya kilala.“
“Sige na. Mabait yun. Kaya lang makulit.”
“Sige. Kapag nagtext uli siya magre-reply na ako.” Sagot ko na may
alanganin.
“Ano ba ang pinapagkwentuhan nyo?” Tanong ni Papa.
“Wala po. Kinikwento ko lang kay Kaye ang mga schoolmates ko noong
high school po.” Sagot ni Ate Mae kay Papa.
“Akala ko mga boys. Parang kinikilig si Kaye habang nagkukwento
ka Mae.” Ani ni Mama.
Maya-maya ay dumating na ang pagkain order nila Mama. Nagsimula na
kaming kumain. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami.
Hai. Nagpapasalamat ako sa Diyos na sama-sama ang aking mga mahal.
Kasama ko silang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Napakaswerte ko nandyan lagi
sila sa akin na nakasuporta. Hindi nila pinaparamdam sa akin na may kapansanan
ako.
Pagdating ng gabi, may nagtext sa akin habang ako ay
nagpapahinga.
“Hello. Ako si Michael. Friend ni Ate Mae mo. Sa kanya ko nakuha ang
number mo. Sana mag-reply ka naman.” Text ni Michael.
Nagdadalawang isip ako kung magre-reply ako o hindi. Natatakot ako.
Pano kung malaman niya na ganito ang kalagayan ko, tapos layuan niya ako kapag
malapit na kaming magkaibigan. Pero naisip ko din wala namang masama kung
ita-try ko,
“Hello Michael! Ayan ha. Nag-reply na ako. J” Reply ko sa kanya
na pikit ang mata ko sa pag-send.
“Salamat naman nag-reply ka na. Hehe. Musta ka?”
“Ok lang naman. Kanina kasama ko si Ate Mae.”
“Ayus pala. Talagang close kayo ni Mae.”
“Oo naman. Bestfriend ko siya at malapit na pinsan.”
“Buti naman napilit ka ni Mae na reply-an ako.”
“Hahaha. Oo nga. Napilit niya nga ako. Makulit kasi eh.”
Magka-text kami buong gabi. Napakakulit ni Michael pero masarap
ka-text.
Kinabukasan, pagkagising ko nagtext agad siya ng “Good morning:”
Pagkatapos ay pumasok sa kwarto si Mama.
“Good morning, Anak. 11:15 na. nagpuyat ka ba kagabi?” Tanong ni Mama
sa akin.
“Mama, may ka-text po ako. Hindi ko po naramdaman na 1am na nyon noong
nagpaalam na po ako sa kanya.”
Habang nagtatanghalian ako, tinatanong pa din ako ni Mama kung sino
ang ka-text ko. “Anak, sino ba ang ka-text mo?”
“Si Michael po. Kaibigan ni Ate Mae.” Sagot ko kay Mama na may
ngiti.
“Alam niya ba na may cerebral palsy ka?” Tanong ng aking Mama na may
pag-alala.
“Ma, hindi pa po. Pero sasabihin ko naman po. Hahanap lang po ako ng
tyempo.”
“Hindi naman ako nagkulang sa iyo sa pagsabi. Baka saktan ka lang ng
lalaking iyan. Sabihin mo na hanggat maaga.” Paalala sa akin ni
Mama.
Napaisip ako sa sinabi ni Mama. Bigla akong natakot sa mangyayari.
Pero naisip ko masaya naman ako na may textmate ako. Sasabihin ko kay Michael
na meron akong cerebral palsy sa isang lingo. Kahit ano pa ang sabihin niya
tatanggapin ko.
Isang araw, tinext ako ni Ate Mae at may sinend siya sa akin na picture.
Lalaki na sobrang gwapo. Mukhang matangkad, chinito, maputi at mukhang
artistahin na kamukha ni Xian
Lim.
“Ate Mae, sino tong nasa picture? Ang gwapo naman.”
“Si Michael yan. Hahaha.. Kilig ka noh?
“Hindi naman.” Ang pag-sinungaling kong sagot.
Ang totoo niyan, kinilig ako ng sobra at tumibok ang puso ko noong
nakita ko ang picture ni Michael. Sobrang gwapo naman kasi talaga. Hindi ko nga
lang sinabi kay Ate Mae at baka sabihin pa niya kay Michael.
Sinave ko ang picture ni Michael sa cellphone at lagi ko itong
tinignan. At noong minsan ay nabistado ako ni Mama at nakita niya ang picture.
Bigla niyang inagaw sa akin ito.
“Mama, bakit mo kinuha ang cellphone ko?”
“Anak, titignan ko lang naman itong picture tapos ibabalik ko din sa
iyo.” Ngiting-ngiti siya noong nakita niya ang picture. “Gwapo tong lalaki,
sino ba siya?
“Mama, si Michael po yan. Siya po ang textmate ko. Pinadala sa akin ni
Ate Mae ang picture na yan.” Sagot ko kay Mama.
“Nagwagapuhan ka noh? Kaya mo sinave.” Ani ni Mama sabay ngiti.
“Opo, Mama. Nagagwapuhan ako sa kanya. Pero sana matanggap niya ako
kapag nalaman niya na ganito ako.:”
“Oo. Matatanggap ka naman niya. Maganda ka naman at mabait. Basta
magdasal ka lang na sana’y magtagal ang friendship ninyo.”
“Opo nga. Ayun po ang lagi kong pinagdarasal.” Sabi ko kay Mama sabay
buntong hininga.
Isang araw, tumatawag
si Michael sa akin, hindi ko sinagot dahil kabado ako. Hindi ko alam kung anong
sasabihin ko o baka hindi niya ako maintindihan.
“Bakit hindi mo ako sinagot?” Tanong ni
Michael sa text.
“Akala ko miss call lang iyon.” Sabay kamot sa
ulo.
“Tawagan uli kita.”
Habang nagri-ring ang cellphone ko, nag-relax
muna ako at baka mautal-utal ako. Sa ilang segundo kong pag-relax ay sinagot ko
na ang tawag ni Michael.
“Hhhello.” Sagot ko na kabang-kaba.
“Hello Kaye. Buti naman sinagot mo ang phone
mo.” ang sabi ni Michael na lalaking-lalaking boses.
“Oo, sinagot ko na dahil makulit ka kasi.”
“Hahaha. Napatawa mo tuloy ako kahit na may…”
napatigil siya sa sinasabi at parang may problema siya. “Kumain ka na ba ng dinner?”
“Anong kahit na? May sinasabi ka kanina. Hindi
mo lang tinuloy.”
“Ayaw ko sanang sabihin sa ito pero sasabihin
ko na din.”
Ano bay un? Baka kasi matulungan kita at
mapagaan ang loob mo.”
“May problema lang naman ako sa kapatid ko.
Nawalan kasi siya ng trabaho ilang buwan na ang nakakaraan. Lagi kaming
nag-aaway dahil wala na namang pera si
Kuya at humihingi siya sa akin ng pang-yosi. Ayon, nagkasagutan na kami.”
Matamlay niyang sagot.
“Magkakaayos din kayo ng kuya mo. Kausapin mo
na lang minsan kung bakit mo siya hindi binigyan ng pangyosi.”
“Oo nga. Hindi ko lang naman siya binigyan
dahil sa makakasama sa kanya ito.”
Inabot kami ng ilang oras ni Michael mag-usap
at iba’t ibang topics ang napapag-usapan namin. Natutuwa ako at sinabihan niya
ako ng problema. Magaan siyang kausap at noong natapos na kaming mag-usap ay
tinext niya ako.
“Kaye, salamat sa oras at salamat napagaan mo ang loob ko.
Nakalimutan ko tuloy ang problema ko. Good night and sweet dreams.”
“Wala yun. Good night na din.”
Napakasaya ko at palihim na kinikilig habang
kausap ko siya. Napasaya niya ang araw ko. Sana mag-usap uli kami.
Araw-araw kaming
magkatext ni Michael at halos gabi ay tinatawagan niya ako. Alam na namin ang
mga ayaw at gusto namin sa mga tao at bagay. Kilala na namin ang isa’t isa.
Pero nakaka-guilty minsan dahil hindi ko pa sa kanya sinasabi na may cerebral
palsy ako. Binabalak ko na sanang sabihin sa kanya pero natatakot ako at baka
hindi na siya mag-reply.
Isang linggo na kaming magka-text ni Michael
at araw ngayon ng mga puso. Balak ko ng sabihin sa kanya ang totoo.
“Good morning, Kaye! Pwede ko ba ikaw tawagan
mamaya?” Ang text ni Michael.
“Good morning din! Mamaya ka na tumawag,
pagkatapos ko na lang kumain. Pwede ka ng tumawag.” Sagot ko. Iniisip ko kung bakit niya ako
hindi binati ng happy valentine. Lagi naman naming pinapag-usapan na malapit na
ang valentine noong mga nakakaraang araw.
“Good morning! Happy Valentine’s Day, anak.”
Bati ni Mama sa akin.
“Happy valentines din po Mama.”
“Mukha ka yatang may problema. Umagang umaga
nakasimangot ka.” Napansin niya sa akin.
“Ma, wala po ito. Nagtataka lang kay Michael
kung bakit hindi niya pa ako binabati. Pero gusto niya daw akong tawagan
pagkakain ko.”
“Baka gusto ka niyang batiin habang kausap ka.
Mas sweet yon.”
“Opo nga noh. Mas sweet.” Ang sagot ko kay
Mama habang kinikilig.
Pagkatapos kong kumain ng almusal at ilang
minuto pa lang ang nakakaraan ay nag-text na si Michael. “Tapos ka na bang kumain? Pwede ko na ba ikaw tawagan?” at
ang sagot ko, “Sige, pwede mo na akong tawagan.”
Agad-agad ay tumawag na siya sa akin.
“Happy valentines, Kaye.”
“Sa iyo din.”
“May tanong sana ako. Okay lang ba?” Sabi ni
Mchael na parang nagdududa.
“Ano yon?” Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
“May pinuntahan ka ba kagabi?”
“Oo. Sa restaurant na malapit lang dito. Bakit
mo naitanong?”
“Wala. May nakita ko lang si Ate Mae mo na may
kasamang naka-wheel chair. Ang weird nga pero may bigla lang akong naisip. Pero
imposibleng ikaw yon, Kaye.” Ani ni Michael na parang malungkot.
Pagkasabi ni Michael ay binaba na niya ang
cellphone. Alam na niya ang sikreto ko. Nakita niya kami ni Ate Mae na magkasama
kagabi.
Tina-try kong tawagan siya pero hindi niya ito
sinasagot. Tinext ko na lang siya. “Hello Michael. Oo, Ako ang kasama ni Ate
Mae. May cerebral palsy ako at hindi nakakalakad. Sasabihin ko talaga sa iyo
ang tungkol dito pero natatakot ako dahil kapag nalaman mo i-reject mo na lang
ako.”
Ilang oras na at hindi pa din si Michael
nagre-reply. Ang sama-sama ng loob ko habang hinihintay ko ang text niya.
Pakiramdam ko niloko ko siya at galit din kay Michael. Iniisip ko na hindi niya
ako matanggap na ganito ang kalagayan ko.
Noong gabi, dumalaw sa akin si Ate Mae at
dinala ako sa kwarto ko.
“Anong nangyari? Tinext lang ako ni Tita na
buong araw kang nakasimangot.” Sabi ni Ate Mae na alalang-alala.
“Ate, nakita tayo ni Michael kagabi.” Sagot ko
“Alam na niya?” gulat na gulat niyang tinanong
sa akin.
“Siguro. Dahil kausap ko siya at sabi niya
nakita ka niya na may kasamang naka-wheel, ibinaba na niya ang telephono.
Tinext ko din siya at sinabi ko na ganito ako.” Sagot ko habang malungkot at
umiiyak.
“Nag-reply naman ba?”
“Hindi pa nga. Nakatatlong miss call na din
ako.”
“Hayaan mo na, Kaye. Huwag mo ng isipin ang
mga walang kwentang tao at makikitid ang utak.” Niyakap ako ni Ate Mae at
pinatahan.
Sobrang nasaktan ako sa mga nangyari. Galit
ako kay Michael pero naniniwala ako na may eksplenasyon ang lahat.
Nagpapasalamat na lang ako na nandito si Ate Mae na nakadamay sa akin.
Michael’s POV
Ako si Michael, 21
yrs old. IT graduate. May nangyari sa akin noong pagkatapos ko ng college,
nadisgrasya ako habang nagmamaneho noong pauwi na ako galing Maynila.
Naapektuhan ang paa ko at nakatatlong opera na ako sa kaliwang binti. Ngayon
nakasaklay na ako at lagi akong tine-therapy.
Noon hindi ako lumalabas ng bahay dahil hindi
ko matanggap na nakasaklay na lang ako pero unting-unti ko ito natanggap sa
tulong ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko.
Ngayon ay nagtratrabaho ako sa bahay bilang
technician ng mga cellphone at computer. Nakakatulong naman sa pamilya kahit
ganito ako. Ayaw ko naman maging pabigat sa kanila pagkatapos ng aksidente ko.
Minsan,
nagkainan ang mga kaibigan ko sa bahay namin. May kinukulit akong
kaibigan na si Mae. “Mae, tignan ko cellphone mo ha.
“Sige. Pictures lang. Wag yung mga messages at
mga contacts.” Sagot ni Mae.
Tinignan ko ang mga pictures ni Mae. May
nakita ako kasama niya sa isang picture, maganda, maputi at singkit. Tinanong
ko ito kay Mae. “Sino tong kasama mo sa picture?”
“Ahhh.. Pinsan ko yan. Lagi ko yan
kasama.”
“Anong pangalan?” Pwede ko ba siyang maging
textmate?” Tanong ko kay Mae.
“Kaye ang pangalan niya, 18 years old. Mabait
yan pero hindi ko sa iyo ibibigay ang number niya.” Sagot ni Mae na may
alinlangan.
“Mae, bakit naman? Makikipagkaibigan lang
naman ako sa kanya.”
“Baka paiyakin mo lang ang pinsan ko. Wag na.
iba na lang.” ang taray na sagot ni Mae.
“Ang over protective mo naman. Pero may kilala
ka ba na napaiyak ko? Wala naman diba. Kilala mo naman ako. Hindi ako
nagpapaiyak ng babae.”
“Over protective lang ako sa pinsan ko na si
Kaye dahil special siya sa puso namin. Oo nga naman mabait kang tao at wala ka
pang napapaiyak na tao. Sige, papag-isipan ko kung bibigay ko sa iyo ang number
niya. itetext kita mamayang gabi.”
“Sige. Hihintayin ko yan Mae.”
Natapos na ang kainan namin ng mga kaibigan
ko. Hindi ko tinantanan sa kakatext si Mae. Kinabukasan na siya nagtext. “Sige.
Ito na ang number ng pinsan ko: 09*********. Pero wag ka munang magtext dahil
magkikita pa kami mamaya. Ayaw ko siyang mabigla dahil baka isipin niya basta
basta ko lang ipinapamigay ang number niya.”
Sinunod ko naman ang text ni Mae at tinext ko
siya kinabukasan. Nakailang miss call at text ako kay Kaye.
Buti naman nagreply na noong bandang hapon.
Mahiyain at parang may tinatago. Pero kalaunan ay nakikilala ko na siya. Kahit
sa text ko lang siya nakilala ay parang close na kami.
Hindi ko sinabi na nakasaklay ako dahil
nahihiya ako at baka hindi niya ako
matanggap. Sasabihin ko ito sa araw ng valentines. Sana ayos lang sa kanya.
Noong minsan tinawagan ko siya sa cellphone,
dahil sobra kong lungkot noong araw yon. Pinagaan niya ang loob ko. Parang may
naramdaman akong kakaiba. Halos araw-araw magkausap kami at magkatext at parang
nagustuhan ko siya kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal.
Tinawagan ko si Mae minsan. Sampung ring na
hindi pa din sumasagot. Tinawagan ko uli, salamat sinagot niya din. “Mae, pwede
ko bang makita si Kaye?” tanong ko sa kanya.
“Michael, hindi pa pwede. Alam ko may may
sasabihin siya sa iyo pagkatapos ng isang linggo ninyong magka-text.”
“May sasabihin lang ako sa kanya.”
“Ano ba yon? I-text mo na lang siya.” Sabi ni
Mae na nagsusungit.
“May gusto lang akong sabihin sa kanya pero
hindi ko alam kung kaya ko itong sabihin dahil sa kalagayan ko.”
“Ano ba yon?” Tanong ni Mae.
May nararamdaman na akong espesyal sa pinsan
mo. Pero nahihiya ako dahil sa kalagayan ko na may saklay ako.”
“Alam mo, hindi naman tumitingin si Kaye sa
labas na kaanyuan. Sa Feb. 14 may sasabihin siya sa iyo. Matatanggap ka din
niya. Malalaman mo din ang sinasabi ko.” Ani ni Mae na tuwinang may tinatago sa
akin.
Inunawa ko na lang si Mae at hinihintay ko ang
araw na may sasabihin sa akin si Kaye. Lagi pa rin kami nagte-text at
nagtatawagan. Pero hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko. Sana matanggap
niya ako.
Feb. 13: Niyaya ako ng aking tita na kumain sa
isang restaurant. Nakita ko doon si Mae na may kasama ang babaeng naka-upo sa
wheelchair. Bigla kong naisip na si Kaye ang kasama ni Mae. Gusto ko silang
lapitan pero natakot ako. Dahil kung si Kaye nga ang kasama ni Mae, pareho
kaming may kakulangan.
Paano ko mamahalin ang taong iyo kung halos
pareho kami ng kalagayan? Hindi ko siya maaalagaan. Nahihirapan ako at
naguguluhan sa mga nakita ko.
Kinabukasan, tinawagan ko si Kaye at tinanong
ko siya at nalaman ko na nga na siya ang kasama ni Mae kahapon. Nag-text din
siya at pinagtapat na niya ang kundisyon niya na may cerebral palsy siya.
Nagpasya muna ako na hindi ko muna siya i-text
at mag-iisip muna ako kung ipapagpatuloy ko ang especial na pagtingin ko sa
kanya.
End of POV
Tatlong
araw na akong malungkot simula ng hindi ko na ka-text si Michael. Dahil ba sa
hindi niya ako tanggap o hindi ko matanggap na wala kaming pag-asang maging
kami? May gusto na ba ako sa kanya?
Hay.
Parang gusto kong magkaroon ng amnesia pero selective lang. ie-edit ko lang,
hindi niya ako nakita noong Feb. 13 kasama si Ate Mae. Hindi ko siya tinext ng
meron akong cerebral palsy, nagpaalam na lang siya sa akin na may pupuntahan
siya sa malayong lugar. Pero sa ibang banda hindi ko na mabubura ang lahat.
Naisip ko din na kaya ko ito pinapagdaanan, hindi ako naging honest sa kanya at
sa sarili ko. Sa susunod na mangyari sa akin uli ito, sasabihin ko na sa kanya
na ganito ang kalagayan ko. Magiging honest na ako simula ngayon.
Isang
gabi, tinawagan ako ni Ate Mae. “Kaye, ok ka lang ba? Kumusta ka na?” ang boses
ni Ate Mae na alalang alala.
“Ate,
ok lang ako. Huwag ka ng mag-alala sa
akin.”
Sinabi
ko lang yun kahit hindi pa naman ako masyadong ok. Habang kausap ko siya ay
bumabagsak aking luha mula sa aking mga mata. Hindi ko ito mapigilan at
humihikbi na din ako
“Ok
ka nga. Humihikbi ka nga diyan. Gusto mo puntahan kita dyan?”
“Huwag
na. magiging ok din ako. Bigyan mo lang ako ng ilang araw at babalik din ako sa
dati.”
“Sige.
Ikaw ang bahala ha. Kaya nga pala ako napatawag, gusto kong mag-sorry sa iyo.
Sorry ha.”
“Sorry?
Bakit naman? Anong kasalanan mo?” takang taka ko itinanong kay Ate Mae.
“Sorry
dahil binigyan kita ng textmate na tulad ni Michael. Mali ang akala ko sa
kanya.”
Napaiyak
na naman ako. Hindi naman kasalanan ni Ate Mae ang nangyari. Hindi niya naman
kasalan na umiiyak ako ngayon dahil kay Michael. Madami naman akong natutunan
at naging Masaya naman ako noong ka-text ko siya.
“Ate
naman! Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Huwag ka mag-alala, malay mo may
malaking dahilan si Michael kaya hindi na siya nagte-text.”
Habang
nag-uusap kami, kumatok si Mama sa kwarto ko. Nagpaalam na ako kay Ate Mae at
habang nagpapaalam ako kay Ate Mae, pinunasan ni Mama ang mga luha ko. At nung
binaba ko na ang cellphone ko, niyakap ako niya. sobrang na-touch ako at hindi
ko napigilan lumuha sa harapan ng aking Mama.
“Anak,
nandito lang ako para iyakan mo at para ilabas mo ang sama ng loob mo. Alam mo
kahit hindi mo sinasabi, alam kong nasasaktan ka.” Ani ni Mama habang nakayakap
sa akin ng mahigpit.
Ramdam
na ramdam ko malasakit ng aking Mama at ni Ate Mae. Kaya naisip ko hindi na ako
iiyak at hindi na ako malulungkot dahil nandito naman ang mga nagmamahal sa akin
at walang sawang pagaanin ang loob ko.
Minsan
ng Linggo, niyaya ako ng aking magulang para kumain sa restaurant.
“Anak,
tara kumain tayo sa paborito kong resto. Gusto mo?” aya ng aking papa
Tumango
na lang ako. Ayoko sanang sumama kaya lang baka isipin nila na malungkot pa ako
dahil kay Michael. Ayoko naman mag-alala sila sa akin.
Noong
magtatanghalian na, nagpunta na kami sa restaurant na malapit sa amin. Inorder
ni Papa ang lahat ng paborito kong pagkain. Sisig, kare-kare, cordon bleu at
mango shake. Alam na alam ni Papa ang mga paborito kong pagkain.
“Anak,
sarap ba?” Tanong ni Mama habang kumakain na kami.
“Opo
nga. Ang sarap. Alam na alam ni Papa ang mga paborito kong pagkain.” Sabi ko
sabay ngiti.
“Siyempre
naman. Para sa ispesyal kong anak at mahal na mahal namin ni Mama.” Tumayo si
Papa mula sa kinakaupuan niya at nilapitan ako. Niyakap ako bigla. “Anak,
gagawin namin ng mama mo para sumaya ka lang.” Biglang naging emusyonal siya at
nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Naging
emusyonal na din ako sa mga sinabi ni Papa sa akin. Maluha luha na din ako.
Hindi ko mapigilanan na pumatak ang luha ko mula sa aking mga mata. Ang tanging
nasabi ko na lang ay, “I love you Mama and Papa. Salamat po sa suporta.”
Nagpapasalamat
talaga ako sa Panginoon na sila ang naging magulang ko. Laging nakasuporta at
mahal na mahal ako. Mahal ko din sila kahit hindi ko napapakita at
napaparamdam.
Kalaunan,
nawala na ang pagiging emusyonal naming tatlo. Nagpapatawa na kasi si Papa at
tawa naman kami ng tawa ni Mama. Kung komedyate lang si Papa, ako ang number 1
fan niya. kahit minsan corny natatawa pa din ako.
Habang
nagtatawanan kami, napalingon ako sa banda kaliwa ng restauranrt. May nakita
ako na lalaking nakasaklay na may kasamang mga kaibigan. Papunta siya malapit
sa lugar namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,alam kong nakita niya
ako. Noong malapit na siya, nakita ko na parang pamilyar sa akin. Hindi ko lang
matandaan kung saan ko siya nakita. Bigla na lang niya tinawag ang pangalan ko.
“Kaye,
pwede ka bang makausap?” Tanong niya
Naalala
ko lang sa boses. Si Michael pala ang nasa harapan ko. bigla akong kinabahan.
Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Tumango na lang ako.
“Sorry
Kaye.” Narinig ko na sinabi niya.
“Kaye!
Kaye, gumising ka na. uuwi na tayo.
Kanina ka pa nakatulala sa simula ng nakita mo yung lalaking nakasaklay.” Sabi
ni Mama habang kinakalabit ako.
Nagising
na ako sa katotohanan. Ilang minuto na din yata akong nakatulala. Nakita ko
lang si Michael pero hindi niya ako nilapitan o kinausap. Alam kong nakita niya
ako. Pakiramdam ko gusto niya akong lapitan pero nahihiya siya.
Pagdating
namin ng aking pamilya sa bahay, tinatawanan nila ako sa nangyari sa
restaurant.
“Anak,
bakit ka natutula ng ilang sigundo noong nakita mo ang lalaking nakasaklay?”
tanong ni Papa habang nakangisi.
“Oo
nga, Anak. Crush mo siguro yung lalaki noh?” sabat ni Mama
“Mama,
Papa, si Michael po yun. Akala ko po kasi lalapitan niya ako pero hindi naman
pala.” Gusto kong umiyak pero naisip ko masisira ang araw nila. Kaya nagbiru na
lang. “Mama, opo. Ang gwapo kaya napatunga na ako sa kanya.”
Tawa
ng tawa sila at habang ako naman malalim ang iniisip ko. Bakit ganun?
Nasasaktan na naman ako. Parang tinutusok ang puso ko. Gusto ko sumigaw. Bakit
niya ako hindi nilapitan?
Pagkatapos
ng kwentuhan namin nila Mama at Papa, nagpabuhat na ako papunta ng kwarto ko.
Habang nagpapahinga ako kama ko itinext ko si Ate Mae.
“Ate
Mae, naasaklay ba si Michael?”
“Oo,
naaksidente kasi siya noong pagka-graduate niya. pero sabi ng mga doctor niya,
pagsamantala naman ang saklay niya. Bakit mo natanong?” sabi ni Ate Mae
“Nakita
ko si Michael kanina.”
“Oh,
anong nangyari? Nag-usap ba kayo?” gulat na gulat na tanong ni Ate Mae.
“Wala.
Nakita ko lang siya sa restaurant. Nakatingin siya sa akin at mukhang lalapitan
niya ako. Pero parang nag-aalangan siya.”
Mangiyak
ngiyak na ako. Hindi ko na na-replyan si Ate Mae dahil sa sobra lungkot ko.
ngayon ko lang na-realize na pareho lang kaming hindi naging honest sa isa’t
isa.
Sana
baling araw makausap ko siya. Para mapaliwanag ang side ko. Kung bakit hindi ko
sinabi na meron akong cerebral palsy. Natatakot lang kasi ako at baka mawalan
ako ng kaibigan at baka hindi niya ako
tanggapin.
----------
Chapter
10
(Point Of View of Michael)
Isang
araw, niyaya ako ng aking dalawang pinsan na pumunta sa isang restaurant. Ayoko
sanang sumama dahil gusto ko lang magkulong sa aking kwarto. Laging malungkot.
Laging nakatulala.
Siguro
dahil sa nangyari sa amin ni Kaye. Iniisip ko kung okay ba siya. Nalungkot ba
siya ng hindi ko na siya tinext. Sana maayos lang siya. Okay lang kaya si Kaye?
“Kuya
Michael, nakikinig ka ba? Nakatulala ka na naman.” Sabi ni MJ.
“Oo
nga, Kuya. Kanina ka pa dyan. Walang imik.” Sabi naman ni Matt.
“Ha?
Ano nga ba ang sinabi ninyo?” tanong ko sa kanila.
“Kuya,
hindi ka nga nakikinig. Kanina pa kami nag-aaya magpunta sa restaurant dyan sa
kabilang kanto.” Sagot ni Matt.
“Ano
Kuya? Sasaama ka ba? Sumama ka na para maiba naman. Lagi kang nakatulala noong
mga nakaraang araw.” Sabi ni MJ na parang concern na concern sa akin.
Tumango
na lang ako. Para minsan naman mawala naman sa isip ko si Kaye. Ang textmate ko
ng isang linggo at hindi ko na tinext dahil nalaman ko na meron siyang cerebral
palsy. Naguluhan ako sa panyayari. Gusto kong ipagpatuloy ang friendship namin
pero naduduwag ako dahil sa nahuhulog na ako sa kanya.
7
days na pangungulit, tawanan at nakilala ko si Kaye na positive sa buhay.
Natatakot ako paano kung magkamabutihan
kami. Natatakot ako na hindi ko siya maalagaan kapag naging kami o nanligaw ako
sa kaya dahil ganito ang kalagayan ko. nakasaklay. Hay… Paano ba to? Ano ang
gagawin ko?
Nasa
restaurant na kami nila Matt at MJ. Nasa harapan kami ng counter. Nag-uusap
kung ano ang io-order namin.
Napatingin
ako sa gawing kanan. Napatulala ako. Biglang kinabahan ng nakita ko si Kaye.
Naisipan kong lapitan siya pero nagdadalawang isip ako. Naduduwag ako. Pupuntahan ko kaya siya? Paano kung awayin
ako ng kasama niya?
Nagpaalam
ako kila MJ at Matt. “Guys, pupunta muna ako ng CR. Paki order na lang ako
cordon bleu.”
Hindi
ako nagpunta ng CR. Lumapit ako kay Kaye ng dahan dahan. Noong malapit na ako
sa kanya, nakita ko na nakita niya ako. Nakangiti sa akin parang bang wala
akong ginawang masama sa kanya.
Noong
malapit na ako sa kanya, tinawag ako nila MJ at Matt.
“Kuya,
ano ang ginawa mo dyan? Nandoon ang CR.” Sabi ni Matt sabay turo sa CR.
Hindi
ko na napuntahan si Kaye dahil hindi alam nila MJ at Matt ang tungkol kay Kaye.
Na naging textmate kami. Laking paghihinayang ko na hindi ko nalapitan siya.
Hindi ko nakausap at hindi ako nakapag-sorry.
Nagpunta
ako ng CR para hindi mahalata ng dalawa na pupuntahan ko si Kaye. Pagkatapos
noon, nagpunta na ako sa lamesa namin at hinintay ang mga order namin.
Bigla
akong natanong ni MJ: “Kuya, saan ka nga pala pupunta noong nakita ka namin ni
Matt? May nakita ka bang kakila?”
Napatulala
ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. magsisinungaling ba ako o sasabihin ko ang
katotohanan? Siguro dapat din nilang malaman ang totoo. Matagal na din nila ako
tinatanong kung bakit ako laging malungkot at tulala.
“May
nakita ako. Siya ang naging textmate ko. pero may kasalanan ako sa kanya.”
Sagot ko sabay buntonghininga.
“Sino
doon?” Tanong ni Matt
“Yung
nakaupo sa wheelchair. Magso-sorry sana ako. Dahil hindi na ako nagtext noong
sinabi niya sa akin na meron siyang cerebral palsy.”
“Hah?
Ano pa ang hinihintay mo Kuya? Dalian mo, puntahan mo na siya uli.” Sabi ni MJ.
“Oo
nga Kuya. Mag-sorry ka na.” Sabi naman ni Matt.
Napaka-supportive
talaga ng dalawang pinsan ko na ito. Kahit na noon pang hindi ako naaksidente.
Lagi nila ako tinutulungan lalo na noong nag-aaral ako ng collage. Malaki ang
utang na loob ko sa kanila. Lalo na kay Tita Anna na kanilang nanay. Sinagot
ang mga gastusin ko noong naaksidente ako. Laking pagpapasalamat ko talaga sa
kanila.
Dali-dali
ako tumayo at pinuntahan ko ang si Kaye kung saan ko siya nakita. Kinakabahan
ako. Hindi ko alam kung paano ako magso-sorry sa kanya. Bahala na si Batman.
Noong
nakarating na ako sa lamesa nila Kaye, nakita ko na lang ang babaeng
nagliligpit ng pinagkainan nila.
“Miss,
nasaan na yung babaeng naka-wheelchair dito?” tanong ko sa waitress.
“Sir,
kakaalis lang po.” Sagot ng waitress.
End
of POV
Hindi
ko na siya naabutan. “Ano ka ba Michael? Pagkakataon mo kanina pero umalis ka.
Pagkakataon mo ng mag-sorry kay Kaye.” Ayun lang ang laman ng iniisip ko na
galing sa puso ko. nagsisi. Naghinayang sa pagkakataon.
Noong
umuwi na kami sa bahay-bahay nila MJ at Matt, nakita ko si Mae na nag-aabang sa
akin sa bahay namin.
“Ano
ang ginawa mo kay Kaye?” Tanong ni Mae sabay niya ako hinampas sa balikat ng
malakas.
“Mae,
nakita ko sa restaurant si Kaye. Lalapitan ko na sana siya kaya lang---“
napahinto ako at napayuko.
“Kaya
lang? Ano? Naduwag ka. Ganun ba?” Sabat ni Mae. Mukha siyang galit na galit sa
akin
“Kaya
lang tinawag ako nila MJ at Matt. Kaya hindi na ako nakalapit sa kanya. Pero
noong nasa lamesa na kami namin nasabi ko kanila na nakita ko si Kaye.
Kiniwento ko din naging textmate siya at ang lahat na nangyari sa amin.”
“Tapos?
Ano? Pinagtawanan ka nila siguro at hindi mo na nilapitan si Kaye. Tama ba
ako?”
“Hindi.
Sinabi pa nga nila na lumapit ako sa kanya. Tapos nilapitan ko ulit siya
kanilang lamesa. Pero ----“ Napailing na lang ako at napahinto sa pagkikwento
ko.
“Pero?
Ano?”
Hindi
ako makapagsalita. Naisip ko si Kaye. Ano kaya ang naramdaman niya noong hindi
ko siya nilapitan? Siguro umuiiyak na yun dahil sa akin. Ano ba ang ginawa ko?
Ilang
segundo akong hindi nakasalita. Napailing na lang.
“Pero
hindi ko na naabutan si Kaye sa lamesa. Tinanong ko naman sa Waitres pero sabi
niya kaalis lang nila.”
“Ganun
ba? Eh anong balak mo ngayon?” Tanong ni Mae. Kitang kita sa mukha niya na
parang apektado din siya nangyari.
Napabuntong
hininga na lang ako at nag-isip. “Gusto kong mag-sorry sa kanya. Aayusin ko ang
mga kamalian ko.”
“Gusto
mo tulungan ko kayo?” Sabi ni Mae. Sabay ngiti.
“Oo
naman, Mae. Alam mo, may sasabihin akong importante sa iyo.” Sobrang
kinakabahan ako sa sabaihin ko sa kanya. Natigilan na naman ako na parang
computer na nagha-hang. Ganito ako kapag madaming iniisip.
“Michael,
ano yung sasabihin mo? Kanina pa akong naghihintay sa sasabihin mo. Nakatulala
ka na naman dyan.” Sabi ni Mae.
“Mae,
nahuhulog na ako kay Kaye. Sa tingin ko nga ay mahal ko na talaga siya. Pero
natatakot ako. Paano kung may humadlang? Paano kung ayaw ng pamilya sa akin?
Ganito kasi ang kalagayan ko at pareho kami ng kalagayan. Paano ko siya
maalagaan?” madali kong sinabi kay Mae habang nakayuko.
“Wow,
mahal mo ang pinsan ko. walang hahadlang sa taong nagmamahalan. Ang mahalaga
ngayon na magso-sorry ka ngayon. Sa ibang araw mo ng isipin yung mga what ifs
mo. Malay mo pareho pala kayo ng nararamdam sa isa’t isa.” Sabi ni Mae na
tuwang tuwa sa kanyang narinig.
Nagsimula
na kami sa pagplano para maging maayos na kami ni Kaye. Hindi ko alam kung ano
na ang mangyayari. Basta alam ko gusto ko siyang makita at makapag-sorry sa
kanya.
-=
Kinabukasan,
hindi ko pa din makalimutan ang nangyari sa akin sa restaurant. Hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ni
Michael. Bakit kaya hindi niya tinuloy ang pagpunta sa akin? Nahiya kaya siya?
O baka naman galit. Madaming pumapasok sa isipan ko.
3:23pm
Nakatanggap
ako ng text galing kay Ate Mae. “Kaye, pupunta ako dyan. Magbihis ka. May
pupuntahan tayo.”
“Saan?”
Takang taka ako sa text niya. Bakit kaya biglaan? Dati kasi kapag nag-aaya siya
pinagpapaalam muna niya ako kila Mama.
“Sa
park na malapit sa dagat. Huwag kang mag-alala at na-text ko na si Tita.” Reply
ni Ate Mae.
Tinanong
ko muna si Mama habang nanonood kami ng TV sa sala. “Ma, nagtext po ba sa iyo
si Ate Mae?”
“Oo.
Pumayag na ako na magpunta kayo sa Park. Sabi niya itutulak ka niya papunta
doon.” Sagot ng aking mama habang busy sa panonood ng TV.
Noong
wala pa akong cellphone, TV lang ang aking libangan. Ngayon kapag ayaw ko ng
palabas, nagse-cellphone na lang ako. Minsan nagpi-picture, minsan naman
naglalaro ng games.
Minsan
naisip ko na kung TV lang ang libangan ko hindi ako magkakaroon ng textmate.
Hindi ko makikilala si Michael. Hindi ako masasaktan ng ganito. Pero naisip ko
ganito talaga ang buhay. May dapat kang pagdaanan para maging matatag.
“Hindi
ba nakakahiya? Sabi ni Mama itutulak mo ako papuntang park. Huwag na kaya.”
Text ko kay Ate Mae.
“Ano
ka ba? Nahihiya ka pa dyan. Sumama ka na.” reply niya na parang galit.
“Sige
na nga sasama na ako.” Reply ko kay Ate Mae.
4:10pm
Sinundo
na ako ni Ate Mae. Nagpunta na kami ng park.
Napakaganda
pala sa park na yun. Madaming mga batang naglalaro, mga magulang na nagbabantay
sa kanilang mga anak at mga taong namasyal din tulad namin ni Ate Mae. Maaliwalas
ang paligid. Ang ganda ng mga ulap na kulay bughaw.
Habang
tinutulak ako ni Ate Mae, napahinto siya harapan ng padulasan. Malapit doon ay
may bangko. Kinuha niya ang bangko papunta sa akin at umupo.
“Ang
sarap mamasyal, Ate Mae. Salamat ah.” Ani ko sa kanya sabay ngiti.
“Ano
ka ba Kaye? Pasalamat ka ng pasalamat dyan. Mamaya iwanan kita dyan.” Biro niya
sa akin.
Tumawa
na lang kami.
Napatigil
na lang siya na parang may gustong sabihin.
“Teka,
pwede bang mapag-usapan natin si Michael?” biglang naging seryoso siya.
Nagulat
at kinabahan ako sa tanong ni Ate Mae. Parang ayokong sagutin ang tanong niya.
ayoko dahil baka umiyak lang ako sa pagsagot. Ayokong makita niya ako
emosyonal.
Pero
wala naman akong magagawa kaya pumayag na lang at pag-usapan ang nakaraan.
“Sige Ate.”
“Paano
kung magkita uli kayo ni Michael tapos mag-sorry siya sa iyo. Papatawarin mo ba
siya?” tanong ni Ate Mae.
“Siguro
oo. Kung maganda ang pag-eexplain niya kung ano ang nangyari.”
Habang
nagkwekwentuhan kami ni Ate Mae, may tumawag sa aking pangalan. Nakaramdam ako
ng takot. Parang kilala ko ang boses. Kaya lumingon ako sa kanya. Nakita ko si
Michael na parang emosyonal.
“Kaye,
I am sorry sa mga ginawa ko. Sana mapatawad mo ako.” Sabi ni Michael habang
lumuluhod siya. Binitawan niya ang kanyang saklay.
Pinigilan
ko siya para hindi na lumuhod. “Michael, huwag ka ng lumuhod.:”
“Sorry
talaga sa mga nangyari.” Sabi ni Michael
Tumayo
si Ate Mae sa kanyang kinauupuan. Binigay niya ang upuan kay Michael para umupo.
“Kaye,
Michael, bili muna ako ng makakain ha. Iwanan ko muna kayong dalawa.” Sabi ni
Ate Mae na ngating ngiti na parang may ibig sabihin.
“Nag-usap
ba kayo ni Ate Mae?” Tanong ko kay Michael.
“Oo.
Nag-usap kami kahapon. Pagkatapos kong makauwi sa bahay. Gusto ko talagang
mag-sorry sa iyo. Ayun nagplano na kami para magkita tayo.” Sagot ni Michael.
Napabuntong
hininga siya at nagsimula sa kanya pagpapaliwanag kung bakit niya ako hindi
nireplay noong nalaman niya meron akong cerebral palsy. Mukhang sising sisi
siya sa mga nangyari. Pinaliwanag niya din kung bakit hindi niya ako tuluyan
nilapitan sa restaurant. Binalikan niya pala ako noong nakaalis na kami.
Mukhang
totoo naman ang sabi ni Michael sa akin. Naawa ako sa kanya. Napaka-emosyonal
niya sa mga oras na yun. Parang gusto ko siyang yakapin pero hindi ko ito
nagawa.
“Michael,
pinapatawa na kita.” Sabi ko.
“Kaye,
may dapat ka pang malaman.” Sabi niya Michael.
“Ano
yun?”
“Nahuhulog
na ako sa iyo. Kaya kita hindi tinext, naduwag ako dahil baka may humadlang sa
nararamdaman ko sa iyo. Kaye, gusto kita at gusto kitang maging girlfriend.”
Bigla niya akong hinawakan sa kamay.
Nabigla
ako sa mga sinabi niya. Kinilig ako pero ayokong ipahalata. Nag-isip isip sa
mga sinabi niya. Natulala ng ilang segundo.
“Michael,
nakakabigala naman ang mga sinabi mo. Pwede bang friendship muna. Alam kong
madami tayong pinag-daanan. Pero masyado kang mabilis.”
Oo,
gusto ko si Michael pero ayoko munang magpaligaw sa kanya o magkaroon kami ng
relasyon. Natatakot akong masaktan muli. Ayoko muna.
“Ok.
Friends muna tayo. Alam kong nabigla kita pero gusto kong malaman mo ang
nararamdaman ko.” sabi niya.
Sa
wakas. Nagkaayos na kami ni Michael. Simula noon lagi na kaming nagkikita.
Minsan dinadalaw nila ako sa bahay kasama sila Ate Mae, Matt at MJ. Masaya
dahil nadagdagan ang mga kaibigan ko. Minsan din namamasyal din kami kasama
sila Mama at Papa.
Lagi
din kami magka-text ni Michael. Lagi niya akong pinapadalahan ng mga sweet
quotes. Lagi niya din ako sinasabihan na liligawan niya ako kapag wala na
siyang saklay. Gusto niya kasi kapag buo na ang pagkatao niya saka niya ako
liligawan. Pero para sa akin simula na yun ng panliligaw niya. Dahil
napapamahal na siya sa akin.
After
2 years ng masasayang araw namin, bigla na lang siyang naglaho. Wala na kaming
kominikasyon ni Michael. Ewan ko kung bakit pero name-miss ko siya.
Napamahal
na rin sa akin si Michael. Naghihintay na lang ako panliligaw niya. Kapag
tinatanong ko sila Mama at Papa tungkol kung manliligaw siya, sa tingin ko
naman ay pasado si Michael sa kanila.
Isang
araw, tinawagan niya ako. “Kaye, pupunta ako dyan.”
Nasa
sala ako habang hinihintay si Michael. Kinilig ako sa kanyang tawag. Ewan ko ba
kung bakit. Parang may nararamdaman lang ako na magandang mangyayari.
After
4 munites na paghihintay sa kanya. Dumating na siya at may dala dalang
bulaklak.
”Hi
Kaye.” Pagbati ni Michael. Bigla niyang binitawan ang kanyang saklay at pumunta
palapit sa akin.
Bigla
akong nagulat sa nakita ko. Natuwa din ako para sa kanya.
“Michael,
nakakalakad ka na,” Sabi ko sabay ngiti.
“Para
sa iyo Kaye.” Inabot niya sa akin ang bulaklak. Tapos bigla niya akong niyakap.
“Kaye, heto na ako sa harapan mo. Buo na ang pagkatao. Mahal na mahal kita
Kaye.” Bulong niya habang umiiyak.
Iyak
din ako ng iyak habang niyakap niya ako. Sobrang ramdam ko kung gaano niya ako
kamahal. Mahal ko din siya ng sobra. Kahit noong nakasaklay siya.
“Michael,
may ipapaalam din ako sa iyo.” Sabi ko.
“Ano
yun?” Tanong niya sa akin.
“Mahal
din kita.” Sagot ko kay Michael.
“Tayo
na?” Tanong niya na parang gulat na gulat.
Tumango
na lang ako bilang pagsagot ng oo. Sabay ngiti.
Hindi
ako natatakot kung may hahadlang sa aming relasyon. Pinasok ko ito na walang
alinlangan. Basta ang alam ko nagmamahalan kami.
The
End