Saturday, June 27, 2009

Lokaret Na Tula

Paano kung mapamahal ako sa iyo
Nagtataka ako sa dinami-dami ng lalaki sa mundo
Ikaw pa ang nagustuhan ko
Ewan ko ba kung ano ang meron sa iyo

Halos nagkakandarapa na ako
Ano ba ang nakain ko
Di ka naman gwapo para isipin ng buong magdamag
Lagi kang napapanag-inipan kasama ka

Tuwing nakikita ka ang puso ko tumititibok na parang sasabog
Pero minsan wala kang mukha sa panag-inip ko
Sana minsan magkatotoo na parang prinsesa ako
At ikaw naman ang sobrang gwapong prinsipe ko

No comments: