About Me

My photo

I am Kathleen Cruz, and you can call me Kat. I’m from Bataan, Philippines I’m a happy person even though I have a cerebral palsy, yet I’m normal like even though I cannot walk and I cannot move my hands easily. But I know we can be friends.

I have a cerebral palsy since birth. When my mother gave birth at 7th month of her pregnancy. I was lacking in oxygen and that’s why I got a scar in my vein. 
My hobbies are surfing the net, drawing using my feet, watching TV, writing stories, poems, and talking to my friends. 

My dream is to become a writer someday, and to have my own book. I hope one day my dreams will granted.

Friday, October 28, 2011

Idol Xian Lim By Kathleen Cruz


Ako si Kathleen Cruz, meron cerebral palsy at hindi nakakalakad. Pero tulad ng ng normal na tao may paboritong artista at ako ay fan ni Xian Lim. Lagi akong kinikilig at masaya kapag nakikita ko siya sa TV.
Minsan akong nangarap na makita siya sa personal. Sobrang idol ko talaga siya dahil sobrang talented niya at sobrang gwapo nya pa. minsan sabi ko sa sarili ko “imposible bang makita ko si Xian Lim ng personal?”
Pero minsan nakita ko sa Xianatics Group, merong Mall Show sa SM Pampanga si Xian ng Oct. 23, 2011. Nabuhayan ako ng loob at nagpaalam ako sa mga magulang ko at salamat naman sa mga magulang ko dahil pinayagan ako.

Simula noong pinayaan ako, tuwing gabi ay lagi ko siyang napanag-inipan. At noong Oct. 23 na, kabadong kabado na ako at exited na ng sobra sobra.

Noong nalaman ko na nasa SM Pampanga na si Xian at noong lumabas na siya sa stage sobrang napasigaw ako. Dahil nakita ko na ng personal si Xian. Sobrrang gwapo nya at ang galing nya kumanta.

At noong pagkatapos na ng show na-meet ko si Kuya JP ng Xianatics at si Sir Arlie. Sobrang bait nila at pumayag si Sir Arlie na makita ko si Xian ng personal sa backstage. Kinikilig ako noong oras na yun at nararamdaman ko ang tibok ng puso ko.

It’s a dream come true na makita Xian Lim. “Thank you Xi!” Napasaya mo ang tulad ko na may cerebral palsy. I will treasure this moments.

No comments: