About Me

My photo

I am Kathleen Cruz, and you can call me Kat. I’m from Bataan, Philippines I’m a happy person even though I have a cerebral palsy, yet I’m normal like even though I cannot walk and I cannot move my hands easily. But I know we can be friends.

I have a cerebral palsy since birth. When my mother gave birth at 7th month of her pregnancy. I was lacking in oxygen and that’s why I got a scar in my vein. 
My hobbies are surfing the net, drawing using my feet, watching TV, writing stories, poems, and talking to my friends. 

My dream is to become a writer someday, and to have my own book. I hope one day my dreams will granted.

Tuesday, December 20, 2011

I am A Fan


Ako si Mae Bautista at ako ay 20 years old. Nakatira sa Makati City. Fan na fan ako ni Papa Xi. Nagsisimula pa lang siya sa shiowbiz fan na niya ako at member ako ng fans club niya.

Madaming nagtatanong sa akin kung bakit ako fan na ni Papa Xi at simple lang ang sagot ko, gwapo, talented at sobrang bait sa mga fans.

Isang gabi, magka-chat kami ni Mitch na fan din ni Papa Xi.

Mitch: Hi Mae! Taga Makati ka diba?
Ako: Oo. Bakit?
Mitch: May photo shoot bukas si Papa Xi dyan para sa clothing line na in-endorse niya. Gusto mong sumama?
Ako: Magpapalaam muna ako kay Mama ko Mitch. Sana payagan ako… Brb, magpaalam muna ako.

Nagpaalam ako kay Mama. Salamat at pinayagan naman ako. Napatalon ako sa tuwa at sobrang excited na ako bukas para ma-meet si Papa Xi ng personal.

Pagkapaalam ko kay Mama, pumunta agad ako sa kwarto at chinat ko agad s Mitch.

Ako: Mitch, pinayagan ako ni Mama.
Mitch: Wow naman talaga. See you tomorrow.
Ako: Excited na nga ako eh.
Mitch: Kami nga din. Biruin mo ang tagal mo ng member ng fans club tapos ngayon mo lang makikita si Papa Xi.
Ako: Oo nga 3 years na akong fan nya. Excited na talaga ako.
Mitch: Alam mo ba mas may excited na makita ka.
Ako: Talaga? Sino siya?
Mitch: Basta member din siya. Sige offline na ako,gabi na.
Ako: Sige. See you tomorrow na lang.
Mitch: Alam mo na kung saan ka pupunta bukas?
Ako: Oo, nabasa ko na yung address sa group.

Noong natapos kami mag-chat ni Mitch, natulog agad ako. Kinabukasan, nagising ako ng 11am na. Buti 2pm ang lakad ko. Dali-dali akong tumayo sa higaan at naghanda ng pagkain.

Habang kumakain ay kinausap ako ni Mama.

Mama: Tanghali ka ng gumising ngayon, hindi ka naman ganyan dati.
Ako: Opo nga, tanghali na. Hindi po ako masyado nakatulog.
Mama: Excited na makita si Papa Xi?
Ako: Opo. Hindi ko po alam kung anong gagawin kung makita ko na po siya. Titili po ba ako, yayakapin ko ba siya o hahalikan?
Mama: Nakakatuwa ka talaga Anak ko! Basta’t mag-enjoy ka lang mamaya.
Ako: Samat po talaga sa pagpayag. Hindi pala ako nagpaalam kay Papa. Nasabi mo po ba?
Mama: Oo pero mag-text ka na din. At sabi din niya sa akin huwag kang papagabi.
Ako: Sige po, mamaya ite-text ko siya. Uuwi din naman po ako ng maaga.

12pm na, nakapaligo na ako at nakaayos na ako. Nagpaalam na ako kay Mama at nag-commute na ako papuntang photo shoot ni Papa Xi.

1pm: Sa wakas nakarating na ako sa photo shoot. Nakailang beses din akong naligaw dahil sobrang hirap pala hanapin ng lugar.

Noong pagkadating ko sa photo shoot, may lumapit sa akin na lalaki.

“Excuse me! Are you Mae Bautista?”
Ako: Oo ako si Mae.
“By the way I am John. “

Si John pala yun. Ang laging nag-aaya sa akin na magpunta sa mga tapings at mall show ni Papa Xi. May itsura si John, maputi, mas matangkad sa akin ng kaunti at maganda manamit at kung unang tingin ay pwede na maging model.
Ako: Nice to meet you John. Nasaan nga pala sila Mitch?
John: Nasa rest room sila Mitch at Gia.

Habang nagkwekwentuhan kami ni John, dumadating na sila Gia at Mitch.


Gia & Mitch: Uy! Mukhang naka-score na si John.
Ako: Gia, Mitch, ano ang ibig sabihin ninyo?
Mitch: Joke lang yun. Hehehe. Nice to meet you Mae.
Gia: Mae, nice to meet you. Totoo pala ang picture mo sa fb. Maganda ka pala talaga.
Ako: Nakakahiya naman. talaga maganda ako?
Mitch: Oo kaya, tanong mo pa kay John.
John: Oo naman maganda lahat kayo. 

Habang nagkwekwentuhan kami at habang hinihintay namin si Papa Xi, niloloko nila Gia at Mitch si John.

Gia: John, aminin mo na, kanina mo pa hinihintay si Mae.
John: Hindi naman. kanina pa kayo ni Mitch ah.
Ako: Nakakatawa kayong tatlo. Ganya ba talaga kayo?
Mitch: Oo naman. Habang naghihintay kami kapag may lakad. Pero crush ka talaga ni John.

1:45pm: Habang nagkukulitan kaming apat at habang nagbla-blush si John, dumating na si Papa Xi. Naka-color blue na polo shirt, matangkad, sobrang gwapo at sobrang kinis ng kanyang balat. Pagkadating pa lang, kinumusta agad niya sila Mitch.

Pinakilala ako ni Mitch kay Papa Xi.

Mitch: Papa Xi, this is Mae. Matagal na siyang member pero ngayon lang siya nakapunta.
Papa Xi: Mae, nice to meet you. Matagal ka na palang member. Bakit ngayon lang kita na-meet?
Ako: Ngayon lang ako pinayagan ng parents ko at busy din ako sa studies ko.
Papa Xi: Thank you sa support. Are you still studying?
Ako: Tapos na ako. I am a Masscommunication graduate.
Papa Xi: That’s good. Malay mo makapagtrabaho ka sa ABS.
Ako: Sana nga po.

Tinawag na si Papa Xi at start na ng photo shoot niya. Sobrang gaan kausap at parang sobrang bait. Then after ng photo shoot nakipagkwentuhan uli siya sa amin. Tapos nagpa-picture kaming apat kay Papa Xi.
--
5pm: Uwian na. Manlilibre si Xian sa isang restaurant. Kaya lang hindi na ako sumama dahil nag-text na si Mama. Kaya nagpaalam na ako.

Ako: Guys, hindi na ako makakasama sa restaurant.
Mitch: Bakit?
Ako: Nag-text na si Mama, pinapauwi na ako.
Gia: Sayang naman.
Ako: Sige aalis na ako. Papa Xi, nice meeting you. I have to go.
Papa Xi: Sige. Ingat ka. Sana hindi ito ang last sa pagbisita mo sa akin.
Ako: Hindi ito ang last. Promise… Bye na!

Umalis na ako, then pagkadating ko sa bahay tinanong agad ako ni Mama.

Mama: Kumusta ang lakad mo? Enjoy ba?
Ako: Ok lang naman po. Sobrang saya po. Ganun pala ang feeling.
Mama: Ano ang feeling?
Ako: Parang in love ka. At parang nasa alapaap.
Mama: Nakakatawa ka. Hindi ka pa nga na-iin love.
Ako: Mama,,..pakita ko na lang po sa iyo ang mga picture namin.

Habang tinitignan ni Mama ang mga pictures sa camera, kitang kita ko sa mukha niya na tuwang tuwa siya para sa akin. Alam niya kasi na masaya ako.

Mama: Ang gwapo nga ni Papa Xi.
Ako: Sobrang gwapo po at ang kinis ng mukha. Grabee!!!
Mama: Mukhang mababait din ang mga kasama mo. Tama ba ako?
Ako: Opo, mabait po sila. Nakakatawa nga po sila Gia at Mitch. Sobrang saya po kasama.

Pagkatapos ko makipag-usap kay Mama, nag-upload na ako ng mga pictures sa fb. Ang dami nag-like at comment na friends ko. Tapos nakipag-chat ako agad kila Mitch, Gia at John.

After two weeks, may nakapost sa fb group na fans club ni Papa Xi, may schedule ang co-members ko na pupunta sa taping ni Papa Xi. Pinapayagan naman ako nila Mama at Papa. At lagi na ako sumasama sa taping, guessting at mall shows.

Sobra saya.. lagi ako nag-eenjoy kapag kasama sila Mitch, John at Gia at iba pang members.. sobrang bait din ng mga handlers ni Papa Xi.

Isang araw, pagkagaling sa taping ni Papa Xi, noong hating gabi na, binuksan ko ang fb ko at nagulat ako sa nag-friend request sa akin… Si Papa Xi in-add ako sakto pagka-accept ko ay online pa din siya. Nagchat kami..

Ako: Hello Papa Xi!
Papa Xi: Hello Mae.
Ako: Kumusta na?
Papa Xi: Ok lang naman. Heto nandito na sa bahay after ng work.

Natigil ako at napaisip, inisip ko kung si Papa Xi ba ito o poser. Kinakabahan ako baka hindi talaga ito si Papa Xi. Tinanong ko si Mitch..

Ako: Mitch, may friend request ka ba galing kay Papa Xi?
Mitch: Oo. Friend ko na siya ngayon. Bakit?
Ako: In-add niya din ako. Siya kaya yun?
Mitch: Oo, siya yun.

Si Papa Xi nga iyon at nawala ang kaba ko. Pagkatapos namin magchat ni Mitch, nagchat uli kami ni Papa Xi. Sobrang bait at parang hindi niya ako fan lang, tinatrato niya din ako na kaibigan.

Akala ko ayon ang first & last chat namin pero mali ako. Lagi kaming nagkaka-chat every 11pm. Minsan nag-a-alarm ako sa cellphone para gumising lang at para mag-chat kami ni Papa Xi.
----
11:45PM: Antok na antok na talaga kakahintay kay Papa Xi. Mag-o-offline na sana ako kaya lang nag-online na siya.

Papa Xi: Hi there.
Ako: Hello Xi, kumusta na?
Papa Xi: Ok lang naman. Kakadarating lang ng bahay after ng taping.
Ako: Pagod?
Papa Xi: Oo, sobra. Pero enjoy naman eh.

12:32am: Nagcha-chat pa kami, madami kaming napagkwentuhan, tungkol sa X girlfriend niya, sa mga friends, trabaho at hanggang sa mga pick up line niya na sobrang nakakakilig. Nagulat ako biglang tanong niya.

Papa Xi: May nanliligaw ba sa iyo?
Ako: Wala eh.
Papa Xi: Wala ka bang crush sa fans club?
Ako: Wala eh. Meron nagpapansin pero mukhang ikaw din ang crush. Joke!
Papa Xi: Balita ko may crush sau si John. Totoo ba yun?
Ako: Oo daw, sabi nila Gia at Mitch. Pero ewan ko ba kung totoo.
Papa Xi: pano kung manligaw siya?
Ako: Hindi ko pa alam. Wala pa kasi sa isip ko yan. Friends lang naman kami ni John.
Papa Xi: Ahh.. Ganun ba?
Ako: Oo, ayaw ko pa kasing magka-boyfriend. Bakit mo ba ako tinatanong tungkol kay John at sa panliligaw?
Papa Xi: Wala lang… nakakatuwa kasi kayo ni John kapag niloloko kayo nila Gia at Mitch.
Ako: Pati ikaw napansin mo yun?

1:00am: Nagpaalam si Papa Xi sa akin.

Papa Xi: Mae, offline na ako.
Ako: sige, magpahinga ka na. pupunta kami sa taping bukas.
Papa Xi: Oo nga, araw na araw na kasi ang tapings namin. Bye…
Offline
------
Pagkatapos namin mag-chat ni Papa Xi, natulog agad ako pero hindi ko maalis sa isip ko ang tanong niya na kung may nanliligaw sa akin. May ibig sabihin ba ang tanong na iyon o wala.

Pagkagising ko, hinanap ko agad si Mama.

Ako: Good morning Mama!
Mama: Good afternoon na Anak! Tanghali na.
Ako: Opo nga. Hindi ko namalayan ang oras. Napuyat po kasi ako.
Mama: Anong oras ka na ba natulog?
Ako: 1am po. Ka-chat ko po Papa Xi.
Mama: Kaya pala , nadadalas yan
Ako: Ma, hindi naman po. May tanong nga pala po ako.
Mama: Ano yun Anak.
Ako: Mma, kapag tinanong ka ban g lalaki na kung sinong nanliligaw sa iyo, may ibigsabihin ba iyon?
Mama: Dipende kasi iyan eh. Baka gusto ka ng lalaki pero pwede din may nagpapatanong sa kanya.
Ako: Feeling ko may gusto siya sa akin.
Mama: Eh di abangan mo na lang manligaw. Basta ingatan mo lang an puso mo.

Pagkatapos kong maglunch, tinext na ako ni Gia kung saan kami magkikita at anong oras.

3PM: Umalis na ako sa bahay at nagpunta ako sa taping ni Papa Xi.

Pinakiusapan ko si Mitch.
Ako: Paki tanong naman si Papa Xi kung anong oras siyang natulog kagabi.
Mitch: Bakit naman?
Ako: Ka-chat ko kasi siya kagabi. Medaling araw na nga yun.
Mitch: Ikaw na talaga, Maaga akong natulog kagabi.

3:15pm: Dumating na sila Papa Xi kasama niya si John. Nagulat kami kung bakit kasama ni Papa Xi si John.

Tinanong ko agad si John.
Ako: John, bakit kasama ka ni Papa Xi?
John: P.A na ako ni Xi. Kailangan ko kasi magtrabaho na. May sakit kasi ang nanay ko.
Ako: Ang ganda nga ng trabaho mo. Lagi kang kasama ni Papa Xi.

Nilapitan ko sila Mitch kasama si Papa Xi na nag-uusap.
Papa Xi: Mae, mukhang iba ka ngayon.
Ako: Huh? Wala ah. Bakit?
Papa Xi: You look beautiful at may mukhang bago sa iyo.

Wala akong nasagot kay Papa Xi. Si Mitch na lang ang sumagot.
Mitch: Nag-make up si Mae ngayon. May pinapagandahan yata.
Papa Xi: Ah.. Ganun ba? Dapat talaga presentable kahit walang pinapagandahan.

“Papa Xi, taping na. Nandyan na si Direct.” Sabi ng stuff sa kanya.
Papa Xi: Sige guys., mamaya na lang uli.

Pagkatapos namin makausap si Papa Xi, nag-usap kami ni Mitch habang nanonood ng taping.

Mitch: Grabe ka Mae.
Ako: Bakit?
Mitch: Napansin ka ni Papa Xi at sinabihan ka niya na maganda ka. Ikaw na talaga.
Ako: Hindi na nga ako nakapagsalita. Grabe. Sobrang saya ko ngayon.
Mitch: Sabihan ka ba ng crush mo na maganda ka, ako din kikiligin.
Ako: Ganun talaga. Iba na kapag ka-close mo si Papa Xi. Joke!
Mith: May ganun talaga. Sis, ang haba ng hair mo.
Ako: Tama na yan. Binobola muna ako. Tinanong mo ba si Papa Xi, kung anong oras na siya kagabi nakatulog?
Mitch: Oo, kanina habang kinakausap mo si John.
Ako: Anong sabi?
Mitch: Madaling araw na daw, kasi after ng taping may ka-chat daw siya pagkadating sa bahay.
Ako: Siya nga ang ka-chat ko.

Nawala ang kaba ko sa sinabi ni Mitch dahil may kutob kasi ang ka-chat maaaring hindi si Papa Xi. Buti na lang mali ang kutob ko.
------
Napakasaya ko dahil pinansin ni Papa Xi ang effort ko na mag-make up. Sobrang kinikilig ako kapag naiisip ko na sinabihan niya ako na maganda ako. Parang nasa alapaap ako kapag naiisip ko ang mga magandang alaala na sobrang saya.

Kapag nagdarasal ako, lagi kong isinasama na sana kapag magkakaroon ako ng boyfriend na kamukha ni Papa Xi, kasing cute niya at kasing bait niya. Pero minsan dinarasal ko din sa Diyos na si Papa Xi ang maging boyfriend ko. There’s no impossible naman basta nandyan si God.

Lagi kami nag-cha-chat ni Papa Xi at minsan hapon ng lunes, online si Papa Xi sa fb.

2pm:

Papa Xi: Hello Mae.
Ako: Hello din.
Papa Xi: Kumusta na?
Ako: Ok lang naman. Wala ka ngayong taping?
Papa Xi: Oo, wala akong schedule ngayon.
Ako: Buti naman makakapahinga ka.
Papa Xi: Oo nga. Nakakapagod din minsan ang araw-araw na trabaho.

5:34pm: Sobrang saya ka-chat ni Papa, hindi ko namalayan na ilang oras na kaming magka-chat.

Papa Xi: Matanong ko lang uli, may nanliligaw ba sa iyo?
Ako: Wala. Bakit?
Papa Xi: Gusto ko kasi kitang ligawan.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Papa Xi. Sinagot na yata ang panalangin ko ng Dyos.

Papa Xi: Nandyan ka pa ba?
Ako: Oo, nandito pa ako. Pero hindi pa ako makapaniwala sa sinabi mo.
Papa Xi: Na ano? Gusto kitang ligawan?
Ako: Oo kasi fan mo lang ako. Parang imposibleng na magustuhan ako ng isang celebrity na katulad mo.
Papa Xi: I mean it. Gusto talaga kita.

Naniwala ako na gusto niya ako. Gusto ko naman talaga si Papa Xi. Lagi kami nag-cha-chat at kahit may taping, sinisingit nya ang makipag-chat sa akin kapag nagpapahinga siya sa set. Nararamdaman ko na importante ako sa kanya kapag isinisingit nya ang oras sa akin.

July 7, 8am: ginising ako ni Mama.

Mama: Anak, gumising ka na.
Ako: Mama, wala naman ako job interview. Kaya ok lang po na matulog pa.
Mama: Nakalimutan mo ba birthday mo ngayon. Happy birthday Anak.
Ako: Nakalimutan ko birthday ko pala ngayon. Thank you Mama.

May dala-dalang bouquet of flowers. Sobrang ganda at tinignan ko kung sino ang nagpapadala, nakalagay ang pangalan ni Papa Xi. Nakalagay sa card “Happy birthday Mae… Thank you for always making me smile”. Sobrang saya ko at simula pa lang ng araw, binuo na ni Papa ang araw ko.

12pm: Nag-text si Mitch at niyaya ako sa taping ni Papa Xi. Pumayag naman ako dahil birthday ko naman.

4pm: Nandoon na kami taping ni Mitch at nandoon agad sila Papa Xi. Tapos lumapit agad si Papa Xi.

Papa Xi: Happy birthday Mae.
Ako: Salamat. Salamat din sa gift mo.
Papa Xi: Wala yon. Mamaya mag-celebrate tayo.

6pm: Pahinga ni Papa Xi sa taping. Nagpaalam siya sa Director kung pwede muna siyang lumabas at pinayagan naman siya ng sandali.

Papa Xi: Guys, kain muna tayo.
Mitch: Saan?
Papa Xi: Dyan lang. Isang restaurant dito na malapit sa location ng taping. Celebrate natin ang birthday ni Mae.
Ako: Thank you Xi. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.

Nagpunta na kami sa restaurant at habang hinintay namin ang pagkain, kumanta muna si Papa Xi ng Beautiful In My Eyes na paborito kong kanta.

Ako: Thank you. Ang ganda ng pagkakanta mo. Alam mo ba favorite ko ang song na yon.
Papa Xi: Wow. Salamat. Hindi ko alam na favorite mo yon.

Habang kumakain kami, may nabanggit si John sa amin. May kakambal daw si Papa Xi.

John: Alam ninyo ba na may twin brother si Xi. Na-meet ko na siya.
Mitch: Hindi nga?
Ako: Maniwala ako sa iyo John.
John: Tanong nyo pa kay Xi.
Papa Xi: Oo, Xander ang name niya. Hindi ko pinapaalam sa inyo dahil ayaw niya.
Mitch: Bakit ayaw niya?
Papa Xi: Ang sabi niya, ayaw niya lang makita sa TV.
Mitch: Magkamukha kayo ni Xander?
Papa Xi: Oo, magkamukhang-magkamukha.
Ako: Ano ang pagkaka-iba ninyo?
Papa Xi: Sa mukha, wala kaming pagkakaiba pero mas matangkad ako sa kanya ng konti.

Sobrang saya ng birthday ko at kinantahan pa ako ni Papa Xi. By 7:20pm umuuwi na kami ni Mitch. Pagkadating sa bahay, ikiniwento ko ang lahat ang nangyari sa akin sa taping. Buti hindi nagalit sa akin si Mama kahit ginabi na ako pag-uwi.

8pm: Pagkatapos namin kumain ng hapunan nila Mama at Papa, nag-internet na ako. Pagkabukas ko ng fb at nag-message sa akin si Papa Xi. Sabi niya: “Happy birthday again Mae. I love you and I mean it. I want you to be my girlfriend. ”

Sobrang naguluhan ako sa sinabi niya pero I think I am falling in love him. Wala naman masama kung heto ang nararamdaman ko. Naisipan ko ngayon, did he mean it that he loves me or it’s just a game of love?

Buong magdamag tinatanong ko sa sarili ko, “In love na ba ako kay Papa Xi?” Oo in love na ako sa kanya at nararamdaman ko naman na mahal niya ako. Kahit takot ako masaktan, sasagutin ko na siya kapag nag-effort siyang magkita kami.

Kinabukasan, 12pm na ako nagising. May pinadala na naman si Papa Xi na flowers.

Mama: Good afternoon Anak. Tanghali na, ngayon ka pa lang nagising.
Ako: Opo nga Mama. May inisip lang ako kagabi kaya 2am na yata ako nakatulog.
Mama: Ano ba ang iniisip mo?
Ako: Nag-message sa fb kasi si Papa Xi, sabi niya mahal niya ako at gusto niya akong maging girlfriend.
Mama: Anak, mahal mo na ba siya?
Ako: Opo, mahal ko na siya. Kaya lang po natatakot ako kapag kami na, mawalan na siya ng oras sa akin.
Mama: Anak, kung saan ka masaya susuportahan ka namin. Basta alagaan mo lang ang puso mo.

Pagkatapos kong magtanghalian, tinawagan ako ni John.

John: Hello Mae, pupuntahan kita dyan.
Ako: Huh? Bakit mo ako pupuntahan dito?
John: Susunduin kita kasi kailangan kang kausapin ni Xi.
Ako: Sige. Anong oras mo ako susunduin?
John: Siguro 3:30pm nandyan na ako.

3pm: Naligo na ako at nagbihis ako ng maayos. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. May pakiramdam ako na meron ibang mangyayari.

3:20pm: Dumating na si John sa bahay para sunduin ako at mga 4pm nasa isang restaurant ako.

Pagkadating ko sa restaurant, nakita ko agad si Papa Xi. Nilapitan niya agad ako.

Papa Xi: I’m really sorry. I don’t mean it.
Ako: What? Why you said sorry? I don’t get it.
Papa Xi: Hindi ako ang lagi mong ka-chat at hindi ako ang nanliligaw sa iyo.
Ako: What? Sino ang tao na may gusto sa akin?

Habang nag-uusap kami Papa Xi, may lumapit sa amin.

“Mae, ako talaga ang ka-chat mo. Ginamit ko lang ang pangalan ni Xi dahil noong college pa tayo, hindi mo ako pinapansin.” Sabi ng isang lalaki.

Pagkalingon ko sa nagsasalita, nakita ko ang lalaking kamukhang-kamukha ni Papa Xi. Siya pala si Xander, ang kakambal ni Papa Xi.

Ako: Xander, ikaw pala ang kakambal ni Xi. Bakit mo ginawa sa akin yon?
Xander: I’m sorry Mae. Hindi ko sinasadya. Noong una, gusto ko lang ikaw maging kaibigan pero...
Ako: Pero? Ano? Na-in love ka na sa akin? Ayun ba ang sasabihin mo? (sabat ko kay Xander. Galit na galit ako sa kanya.)
Xander: Oo ganun nga. Sana huwag ka ng magalit sa akin.
Ako: Sana hindi ako magalit? Heto na nga, nagagalit na ako. At hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan.
Xander: Hanggang galit ka, hindi ako titigil sa pag-sorry sa iyo.
Ako: Sa tingin mo mapapawad kita? Dalawang tao ang niloko mo. Ako at ang kapatid mo. Manloloko ka.

Umalis na ako, kahit hinabol pa ako ni Xander. Gulong-gulo ang utak ko at hindi ko na alam kung sino ang laman ng puso ko, si Papa ba na lagi kong nakikita at nakakasama pero panandalian lang o si Xander na nagbigay sa akin ng oras at nagsabi na mahal niya pero ginamit niya ang pangalan ng kapatid niya at niloko ako.

Habang tumatakbo ako palayo kay Xander, hindi ko alam na may malapit na taxi… Mabubunggo na ako…

Abangan kung ano ang mangayayari Mae.

Xander’s Point of View:

Ako si Xander, 22 years old at kambal ng isang artista nilang Papa Xi. Simpleng tao at gusto ko lang ng simpleng buhay. Accountancy Graduate.

Noong 4th year collage pa lang ako, meron akong crush na 3rd year mascom student. Sobrang ganda, matangkad at matalino. Mae Bautista ang pangalan. Kaya lang hindi ko siya malapitan dahil madaming nagkkakagusto sa kanya.

Sobrang payat ko noon, puro tagyawat at tiyak hindi ako mapapansin ni Mae.

Minsan, noong sumali ako sa basket ball. Practice namin at nagkataon nandoon si Mae. Kausap niya ang kaklase ko, so lumapit ako.

Ipinakilala ako ng kaklase ko na si Andy kay Mae.
Andy: Mae, si Xander. Classmate ko siya.
Ako: Hi Mae, nice to meet you.
Mae: Hello Xander, nice to meet you too.

“Xander and Andy, practice na.” Tinawag na kami ni coach. Saying at hindi ko nahingi ang number ni Mae. Mas maganda si Mae malapitan.

Hindi ko na sinabi na kakambal ko si Xi sa kanya dahil konti lang naman ang nakakaalam na may kakambla ako. Baka lang kunin lang akong artista kapag madami ng nakakaalam na kakambal ko si Xi.

This year, may kiniwento sa akin Xi na may magandang babae na pumunta sa taping at nabanggit niya si Mae Bautista ang babae.

Xander: Ah.. May kilala akong Mae Bautista noong college. Masscom grad ba?
Xi: Oo. Diba may crush ka doon?
Xander: Oo, kung si Mae Bautista nga na kilala ko, pwedeng bang huwag mo siya ligawan.
Xi: Sige ba. Alam ko naman na crush mo pa noon yon.

Hinanap ko ang picture ni Mae sa wallet ko at pinakita ko kay Xi.. Sabi niya Oo nga siya ang fan ko na laging nagpupunta sa taping..”

Minsan, sini-search ko sa fb si Mae. Nakita ko nga siya at nalaman ko na fan siya ni Xi. Ang profile picture ay kasama si Xi. Nagselos ako.

Minsan, naisip kong i-add si Mae pero naisip ko na mag-iba ng account at gamitin ko ang pangalan ni Xi. Pinag-isipan ko ito mabuti balak kong sabihin agad ang totoo na hindi ako si Xi.

In-add ko na nga si Mae sa bagong fb account ko. Noong una nahirapan ako at hindi siya naniwala ako si Xi. Pero naniwala naman siya. Ang sarap niyang kausap.

After 2 months, nahuhulog na ang loob ko kay Mae kahit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko at alam ko si Xi ang gusto niya. Gusto ko ng aminin sa kanya ang totoo na ako si Xander at hindi si Papa Xi niya. Kaya lang natatakot ako na magalit siya.

Noong birthday niya, nag-message ako sa fb sinabi ko na mahal ko siya. Pero nakita ako ni Xi na mine-message ko si Mae na gamit ko ang pangalan niya.

Xi: Xander, gaano mo na katagal ginagamit mo ang pangalan ko sa fb?
Ako: 2 months na.
Xi: Ilang babae ang china-chat mo?
Ako: Isa lang. Si Mae lang.
Xi: Bukas aminin mo na yan kay Mae.

Hindi na ako nakasagot kay Xi. Takot na takot akong umamin kay Mae na hindi ako si Xi.

Kinabukasan, nagpunta ako kay Mae sinabi ko na ako ang kachat niya at hindi si Xi. Galit na galit siya sa akin at noong umalis na siya hinabol ko si Mae.

Malapit na siyang madumugan ng taxi pero tinulak ko siya palayo sa taxi. Wala na ako pakialam kung ako ang madugan basta ma-save ko lang ang mahal ko.

End of Xander’s point of view. ‘

Noong tumakbo ako palayo kay Xander, hindi ko namalayan na may palapit sa akin na taxi. Naramdaman ko na lang na itinulak ako ni Xander palayo sa taxi. Nakita ko ng bulagta at sugatan si Xander malapit sa taxi.

Dinala namin si Xander sa hospital, sobrang kabado ako para sa kanya kahit sinaktan niya ako.

Kinausap ako ni Papa Xi:

Papa Xi: Mae, bakit nandito ka pa? Sinaktan ka na niya, nandito ka pa rin.
Ako: Hindi ko na iniisip kung sinaktan niya ako. Ang mahalaga ngayon maging ok siya. Sinave nya ang buhay ko.
Papa Xi: Salamat di mo siya iniuwan, matutuwa siya kapag nakita ka.

Madaming laboratory test ang ginawa kay Xander, ang sabi ng doctor, 50-50 ang chance ang na makalakad muli si Xander. Pwede siyang makalakad thru therarapy pero matagal ang recovery.
Umiyak ako noong nalaman ko ang kalagayan ni Xander. Awing-awa ako sa kanya. Nag-promise ako sa sarili ko na hindi ko siya iiwan dahil iniligtas niya ako at kung hindi niya ako tinulak palayo sa taxi ako ang nakaratay sa hospital.

After 1 week, hindi pa nagigising si Xander. Lagi kong kasama ang Mama nila Xander at Papa Xi. Lagi siyang umiiyak at hindi natutulog.

4pm: Umalis muna si Tita Dianne (mama ni Xander)saglit para bumili ng meryenda namin. Wala pang isang minotong wala si Tita nakita ko si Xander na nagising na.

Xander: Thank God you’re still alive Mae.
Ako: Thank you for saving me. Kumusta na ang pakiramdam mo?
Xander: Heto masakit ang katawan. Pero teka parang hindi ko maramdaman ang legs ko.

Niyakap ko si Xander at parehas kaming umiyak.

Maya-maya, dumating na si Tita Dianne at dumating din ang doctor. Ipinaliwanag ng doctor kay Xander kalagayan niya. Natulala lang si Xander noong nalaman niya na 50-50 ang chance para makalakad siya.

Nilapitan ko si Xander.

Ako: Huwag ka ng malungot.
Xander: Mae, ito na ang kabayaran sa pagloloko ko sa iyo.
Ako: Huwag mong isipin iyan. Makakalakad ka pa at nandito kami para sa iyo.
Xander: Salamat. Nandito ka pa rin para sa akin?


Umuwi na ako sa bahay, napaisip ako kung bakit ko ito ginagawa, dahil ba sa gusto kong makita siya na nakareover na o dahil utang ko ang buhay kay Xander o dahil gusto ko talaga siya at hindi si Papa Xi?

Noong bumalik na ako sa hospital kinabukasan, nag-aayos na sila Tita Dianne ng mga gamit ni Xander.

Ako: Xander, aalis ka na pala sa hospital. Baka hindi na ako makadalaw sa bahay ninyo.
Xander: Magpaalam na din ako sa iyo Mae. Next week pupunta na ako sa America para doon magpagamot.
Ako: Tita, totoo po ba na aalis kayo? (Lumingon ako kay Tita na umiiyak)
Tita Dianne: Oo, may nagsabi kasi sa amin na may magandang hospital na medaling makaka-recover si Xander.

After a week, umalis na sila Xander at simula noon wala na akong balita kila Xander at Papa Xi. Nalungkot ako noong umalis na si Xander.

Pagkatapos ng lahat na nangyari, nagdisisyon ako na ayusin ang buhay at naisip ko na maghanap muna ng trabaho.

After 1 year: DJ na ako ngayon sa isang radio station at mag-iisang taon na. Masaya ako sa trabaho ko.

Wala pa din akong balita kila Xander. Hindi nila ako tine-text pero si Papa Xi namayagpag pa din ang kanyang career bilang artista.

Isang araw, may naghanap sa akin. Sabi ng kasamahan ko fan ko daw ang naghahanap sa akin.

“Hello DJ Mae, ako si Xander 23 years old at kapatid ni Papa Xi. Kung hindi mo natatandaan ako yung taong pinakilala ni Andy na friend mo sa basket ball.”

Lumingon ako sa kanya at nakita ko si Xander. Nakakalakad na siya.

Ako: Xander, ano ba ang pinagsasabi mo?
Xander: Wala lang. Gusto ko lang magpakilala sa iyo uli. Para we can start our new friendship.
Ako: Ah.. Nice to meet you Xander. :)

Me and Xander build a new friendship. Hindi ko alam kung saan ito patutungo pero masaya kami bilang friends.

Until now I am a fan of Papa Xi. Bumili pa din ako ng mga magazines niya, nanood pa ako ng movie and TV shows.

Minsan, kasama klo si Xander at nanood kami ng movie ni Papa Xi.

Ako: Ang galing talaga ni Xi sa movie, pang best actor.
Xander: I know you’re a still fan of Xi pero ok lang yon. Susuportahan kita dyan, but I’m hoping you can love me soon.

The End.

No comments: