About Me

My photo

I am Kathleen Cruz, and you can call me Kat. I’m from Bataan, Philippines I’m a happy person even though I have a cerebral palsy, yet I’m normal like even though I cannot walk and I cannot move my hands easily. But I know we can be friends.

I have a cerebral palsy since birth. When my mother gave birth at 7th month of her pregnancy. I was lacking in oxygen and that’s why I got a scar in my vein. 
My hobbies are surfing the net, drawing using my feet, watching TV, writing stories, poems, and talking to my friends. 

My dream is to become a writer someday, and to have my own book. I hope one day my dreams will granted.

Thursday, November 8, 2012

Textmate (25% True Story)

Sa katunayan ay 25% true story ito at totoong nangyari sa akin ito. Kaya nahihirapan akong balikan ang nakaraan ko.

Matutungahayan dito na "true love conquers all" at wala silang pakilaalam na kahit may kapansan ay makakahanap ng true love.



---
 Kilalanin natin si Kaye Santos..

   Ako si Kaye Santos, 18 years old.   Nag-iisang anak nila Francis Santos at Yolly Santos. Ako ay may cerebral palsy. Hindi man nakakalakad pero ayos lang naman ako dahil punung-puno ako ng pagmamahal galing sa mga magulang ko at kapamilya.
  
 Lagi akong nakaupo sa wheel chair. Sa bahay man o sa labas. Kamay ang aking ginagamit kapag kumakain ako, mag-computer, magbanyo at etc.
  
 Masayahin, talented, joker at matalino ang laging sinasabi sa akin at noong debut ko, niregaluhan ako nila Mama ng cellphone.
  
 “Mama, Papa, salamat po sa regalo ninyo pong cellphone.” Masayang sabi ko sa aking magulang.
  
 “Kaye, wala iyon. Basta magpapakabait ka lang ha.” Sabi ng aking Mama na may ngiti sa kanyang mga mata.
  
 Pinag-aralan ko na ito gamit ang aking mga kamay. Kahit hirap man ako sa paggamit at nanginginig sa pagtipa ng aking cellphone, nag-eenjoy naman ako at habang natututo ay lagi ko ng nakaka-text ang aking mga pinsan, tiyo at tiya.
  
 Kapag wala naman si Papa at kapag nasa out of town siya, tinatawagan niya ako.
  
 Minsan, tinawagan niya ako. “Hello Kaye.” Bati niya sa akin.
  
 “Hello Papa, kumusta po?” Masayang pagbati ko kaya Papa.
  
 “Ayus lang Anak.” Sagot niya na nakangiti. “ikaw kumusta na? Anong gusto mong pasalubong?” tanong niya sa akin.
  
 “Papa, ayus lang naman po kami ni Mama. Hindi naman niya ako pinapabayaan.” Sagot ko kay Papa. “Pasalubong ?   Ngiti mo lang po ayus na.” Biro ko sa aking ama.
  
 “Hahaha. Sige ba. Maasim ba na ngiti o matamis na ngiti?” Biro niya sa akin. “Sige na Anak. May trabaho pa si Papa. Bukas uuwi na ako.” Paalam niya.
  
 Kinabukasan, nagising ako ng maaga at tinawag ko agad si Mama. “Ma, gising na po ako.”
  
 “Good morning Anak.” Pagbati ni Mama sa akin. “Alam mong maagang uuwi si Papa mo kaya maaga kang nagising noh.” Sabi niya.
  
 “Excited lang po ako para makita si Papa.”                                     
  
 “Tara na. Nagluto ako ng paborito mong hotcake.” Sabi ni Mama.
  
 “Wow.” Sabi ko na may ngiti.
  
 Hinawakan na ako ni Mama, pinalakad papuntang banyo at pagkatapos ay pinunta niya ako sa dining area para kumain.
  
 Habang kumakain, nakita ko bintana na may bumubusina sa tapat ng bahay namin. Maya-maya ay nakita ko na si Papa at may dala-dala.
  
 “Aba. Ang aga mong gumising ng anak ko ah.” Sabi ni Papa. “Anak, para sa iyo.” May inabot sa akin si Papa na paper bag at binuksan ko naman. Ang laman ay pink na blouse.
  
 “Salamat Papa. Ang ganda naman po.” Ani ko na may ngiti.
  
 Ramdam ko talaga ang pagmamahal ng aking mga magulang. Laki ng pasasalamat ko sa Dyos na sila ang naging magulang ko at hindi nila ako pinapabayaan.
Kilalanin natin si Kaye Santos..

   Ako si Kaye Santos, 18 years old.   Nag-iisang anak nila Francis Santos at Yolly Santos. Ako ay may cerebral palsy. Hindi man nakakalakad pero ayos lang naman ako dahil punung-puno ako ng pagmamahal galing sa mga magulang ko at kapamilya.
  
 Lagi akong nakaupo sa wheel chair. Sa bahay man o sa labas. Kamay ang aking ginagamit kapag kumakain ako, mag-computer, magbanyo at etc.
  
 Masayahin, talented, joker at matalino ang laging sinasabi sa akin at noong debut ko, niregaluhan ako nila Mama ng cellphone.
  
 “Mama, Papa, salamat po sa regalo ninyo pong cellphone.” Masayang sabi ko sa aking magulang.
  
 “Kaye, wala iyon. Basta magpapakabait ka lang ha.” Sabi ng aking Mama na may ngiti sa kanyang mga mata.
  
 Pinag-aralan ko na ito gamit ang aking mga kamay. Kahit hirap man ako sa paggamit at nanginginig sa pagtipa ng aking cellphone, nag-eenjoy naman ako at habang natututo ay lagi ko ng nakaka-text ang aking mga pinsan, tiyo at tiya.
  
 Kapag wala naman si Papa at kapag nasa out of town siya, tinatawagan niya ako.
  
 Minsan, tinawagan niya ako. “Hello Kaye.” Bati niya sa akin.
  
 “Hello Papa, kumusta po?” Masayang pagbati ko kaya Papa.
  
 “Ayus lang Anak.” Sagot niya na nakangiti. “ikaw kumusta na? Anong gusto mong pasalubong?” tanong niya sa akin.
  
 “Papa, ayus lang naman po kami ni Mama. Hindi naman niya ako pinapabayaan.” Sagot ko kay Papa. “Pasalubong ?   Ngiti mo lang po ayus na.” Biro ko sa aking ama.
  
 “Hahaha. Sige ba. Maasim ba na ngiti o matamis na ngiti?” Biro niya sa akin. “Sige na Anak. May trabaho pa si Papa. Bukas uuwi na ako.” Paalam niya.
  
 Kinabukasan, nagising ako ng maaga at tinawag ko agad si Mama. “Ma, gising na po ako.”
  
 “Good morning Anak.” Pagbati ni Mama sa akin. “Alam mong maagang uuwi si Papa mo kaya maaga kang nagising noh.” Sabi niya.
  
 “Excited lang po ako para makita si Papa.”                                     
  
 “Tara na. Nagluto ako ng paborito mong hotcake.” Sabi ni Mama.
  
 “Wow.” Sabi ko na may ngiti.
  
 Hinawakan na ako ni Mama, pinalakad papuntang banyo at pagkatapos ay pinunta niya ako sa dining area para kumain.
  
 Habang kumakain, nakita ko bintana na may bumubusina sa tapat ng bahay namin. Maya-maya ay nakita ko na si Papa at may dala-dala.
  
 “Aba. Ang aga mong gumising ng anak ko ah.” Sabi ni Papa. “Anak, para sa iyo.” May inabot sa akin si Papa na paper bag at binuksan ko naman. Ang laman ay pink na blouse.
  
 “Salamat Papa. Ang ganda naman po.” Ani ko na may ngiti.
  
 Ramdam ko talaga ang pagmamahal ng aking mga magulang. Laki ng pasasalamat ko sa Dyos na sila ang naging magulang ko at hindi nila ako pinapabayaan.

  Niyaya ako ni Papa lumabas at magpunta sa isang restaurant, para kumain ng tanghalian, “Papa, pupunta po dito si Ate Mae. Bibisitahin po ako.” Sabi ko kay Papa.

 “ Kaye, isama na lang natin siya. Doon na lang kayo magkwentuhan.” Sagot ng aking Mama.

 “Sige po.” Ani ko kay Mama sabay ngiti.

 Si Ate Mae ay pinsan ko na malapit sa aking puso. Lagi niya akong dinadalaw kapag may free time siya. Siya din ang aking best friend. Kapag may secret ako, siya ang unang sinasabihan ko o kapag may dinaramdam o may sumpong ako dahil wala akong magawa sa bahay, tinatawagan agad siya ni Mama para amuhin ako. Sinasabihan din niya ako ng problema at sikreto.

  Salamat laging nandyaan si Ate Mae. Laging umiintindi kahit wala siyang responsibilidad sa akin.      Mahal na mahal ko si Ate Mae.

  11:am: napaliguan na ako ni Mama tapos tinext ko si Ate Mae. “Ate Mae, nasaan ka na?"    

 “Nasa bahay pa lang ako. 1pm pa ako pupunta dyan.” Reply ni Ate Mae.

 “1pm pa pala pupunta dito si Ate Mae.” Sabi ko kila Mama at Papa na kasama ko sa sala.

 “Tara na. sunduin na lang natin siya. Para maaga din tayong makauwi. Itext mo na lang si Ate Mae mo”, Sabi ni Mama.

 “Sige po.” Sabi ko kay Mama sabay ngiti. Itinext ko agad si Ate Mae. “Susunduin ka namin. Kain tayo sa restaurant.”

 “Sige. Tamang tama ako lang ang mag-isa sa bahay.” Reply ni Ate Mae.

  Pagka-reply niya sa akin, pinalakad na ako ni Mama papuntang kotse, habang nilagay ni Papa ang wheelchare ko sa likod ng kotse.

  Pagkasundo namin kay Ate Mae, dumeretso na kami sa restaurant. After 30 min. nandoon na kami sa restaurant.    

  Pinapagtinginan ako ng mga tao lalo na ng mga bata. Niyuko ko na lang ang sarili ko habang nahihiya at konting inis sa mga tao.

 “Kaye, huwag kang yumuko. Alam ko ang iniisip mo. Itaas mo ang ulo mo at smile ka lang. Huwag mo silang pansinin.” Sabi ni Ate Mae na nakangiti. Tinaas nya ang ulo ko at inayos ang buhok ko.

 “Salamat Ate.” Sabi ko sabay ngati. Tama si Ate Mae dapat huwag akong yumuko at hindi na ako yuyuko kapag madaming nakatingin sa akin.

  Umorder na sila Mama at Papa ng pagkain. Habang hinihintay namin ang order may kiniwento si Ate Mae sa akin.          

 “May nagpa-missed call ba sa iyo kanina?” Tanong niya

 “Oo. tapos nagtext. Sabi ikaw ba si Kaye.” Sagot ko.

 “Michael yun. Schoolmate ko noong high school. Sana sumagot ka.”

 ”Ayaw ko nga. Hindi ko naman siya kilala.“
     
 “Sige na. Mabait yun. Kaya lang makulit.”

“Sige. Kapag nagtext uli siya magre-reply na ako.” Sagot ko na may alanganin.

 “Ano ba ang pinapagkwentuhan nyo?” Tanong ni Papa.
 
 “Wala po. Kinikwento ko lang kay Kaye ang mga schoolmates ko noong high school po.” Sagot ni Ate Mae kay Papa.
    
  “Akala ko mga boys. Parang kinikilig si Kaye habang nagkukwento ka Mae.” Ani ni Mama.

  Maya-maya ay dumating na ang pagkain order nila Mama. Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami.

     

  Hai. Nagpapasalamat ako sa Diyos na sama-sama ang aking mga mahal. Kasama ko silang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Napakaswerte ko nandyan lagi sila sa akin na nakasuporta. Hindi nila pinaparamdam sa akin na may kapansanan ako.

Pagdating ng gabi, may nagtext sa akin habang ako ay nagpapahinga. 
        
 “Hello. Ako si Michael. Friend ni Ate Mae mo. Sa kanya ko nakuha ang number mo. Sana mag-reply ka naman.” Text ni Michael. 
        
 Nagdadalawang isip ako kung magre-reply ako o hindi. Natatakot ako. Pano kung malaman niya na ganito ang kalagayan ko, tapos layuan niya ako kapag malapit na kaming magkaibigan. Pero naisip ko din wala namang masama kung ita-try ko, 
        
 “Hello Michael! Ayan ha. Nag-reply na ako. J”  Reply ko sa kanya na pikit ang mata ko sa pag-send. 
        
 “Salamat naman nag-reply ka na. Hehe. Musta ka?” 
        
 “Ok lang naman. Kanina kasama ko si Ate Mae.” 
        
 “Ayus pala. Talagang close kayo ni Mae.” 
        
 “Oo naman. Bestfriend ko siya at malapit na pinsan.” 
        
 “Buti naman napilit ka ni Mae na reply-an ako.” 
        
 “Hahaha. Oo nga. Napilit niya nga ako. Makulit kasi eh.” 
        
 Magka-text kami buong gabi. Napakakulit ni Michael pero masarap ka-text. 
        
 Kinabukasan, pagkagising ko nagtext agad siya ng “Good morning:” Pagkatapos ay pumasok sa kwarto si Mama. 
        
 “Good morning, Anak. 11:15 na. nagpuyat ka ba kagabi?” Tanong ni Mama sa akin. 
        
 “Mama, may ka-text po ako. Hindi ko po naramdaman na 1am na nyon noong nagpaalam na po ako sa kanya.” 
        
 Habang nagtatanghalian ako, tinatanong pa din ako ni Mama kung sino ang ka-text ko. “Anak, sino ba ang ka-text mo?” 
        
 “Si Michael po. Kaibigan ni Ate Mae.” Sagot ko kay Mama na may ngiti. 
        
 “Alam niya ba na may cerebral palsy ka?” Tanong ng aking Mama na may pag-alala. 
        
 “Ma, hindi pa po. Pero sasabihin ko naman po. Hahanap lang po ako ng tyempo.” 
        
 “Hindi naman ako nagkulang sa iyo sa pagsabi. Baka saktan ka lang ng lalaking iyan. Sabihin mo na hanggat maaga.” Paalala sa akin ni Mama. 
        
 Napaisip ako sa sinabi ni Mama. Bigla akong natakot sa mangyayari. Pero naisip ko masaya naman ako na may textmate ako. Sasabihin ko kay Michael na meron akong cerebral palsy sa isang lingo. Kahit ano pa ang sabihin niya tatanggapin ko. 

Isang araw, tinext ako ni Ate Mae at may sinend siya sa akin na picture. Lalaki na sobrang gwapo. Mukhang matangkad, chinito, maputi at mukhang artistahin na kamukha ni Xian Lim.         

 “Ate Mae, sino tong nasa picture? Ang gwapo naman.”

 “Si Michael yan. Hahaha.. Kilig ka noh?

 “Hindi naman.” Ang pag-sinungaling kong sagot.
 
 Ang totoo niyan, kinilig ako ng sobra at tumibok ang puso ko noong nakita ko ang picture ni Michael. Sobrang gwapo naman kasi talaga. Hindi ko nga lang sinabi kay Ate Mae at baka sabihin pa niya kay Michael.

 Sinave ko ang picture ni Michael sa cellphone at lagi ko itong tinignan. At noong minsan ay nabistado ako ni Mama at nakita niya ang picture. Bigla niyang inagaw sa akin ito.

 “Mama, bakit mo kinuha ang cellphone ko?”

 “Anak, titignan ko lang naman itong picture tapos ibabalik ko din sa iyo.” Ngiting-ngiti siya noong nakita niya ang picture. “Gwapo tong lalaki, sino ba siya?

 “Mama, si Michael po yan. Siya po ang textmate ko. Pinadala sa akin ni Ate Mae ang picture na yan.” Sagot ko kay Mama.

 “Nagwagapuhan ka noh? Kaya mo sinave.” Ani ni Mama sabay ngiti.

 “Opo, Mama. Nagagwapuhan ako sa kanya. Pero sana matanggap niya ako kapag nalaman niya na ganito ako.:”

 “Oo. Matatanggap ka naman niya. Maganda ka naman at mabait. Basta magdasal ka lang na sana’y magtagal ang friendship ninyo.”

 “Opo nga. Ayun po ang lagi kong pinagdarasal.” Sabi ko kay Mama sabay buntong hininga.

Isang araw, tumatawag si Michael sa akin, hindi ko sinagot dahil kabado ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o baka hindi niya ako maintindihan.
   
 “Bakit hindi mo ako sinagot?” Tanong ni Michael sa text.
   
 “Akala ko miss call lang iyon.” Sabay kamot sa ulo.
   
 “Tawagan uli kita.”
   
 Habang nagri-ring ang cellphone ko, nag-relax muna ako at baka mautal-utal ako. Sa ilang segundo kong pag-relax ay sinagot ko na ang tawag ni Michael.
   
   
   
 “Hhhello.” Sagot ko na kabang-kaba.
   
 “Hello Kaye. Buti naman sinagot mo ang phone mo.” ang sabi ni Michael na lalaking-lalaking boses.
   
 “Oo, sinagot ko na dahil makulit ka kasi.”
   
 “Hahaha. Napatawa mo tuloy ako kahit na may…” napatigil siya sa sinasabi at parang may problema siya.   “Kumain ka na ba ng dinner?”
   
 “Anong kahit na? May sinasabi ka kanina. Hindi mo lang tinuloy.”
   
 “Ayaw ko sanang sabihin sa ito pero sasabihin ko na din.”
   
 Ano bay un? Baka kasi matulungan kita at mapagaan ang loob mo.”
   
 “May problema lang naman ako sa kapatid ko. Nawalan kasi siya ng trabaho ilang buwan na ang nakakaraan. Lagi kaming nag-aaway dahil   wala na namang pera si Kuya at humihingi siya sa akin ng pang-yosi. Ayon, nagkasagutan na kami.” Matamlay niyang sagot.
   
 “Magkakaayos din kayo ng kuya mo. Kausapin mo na lang minsan kung bakit mo siya hindi binigyan ng pangyosi.”
   
 “Oo nga. Hindi ko lang naman siya binigyan dahil sa makakasama sa kanya ito.”
   
 Inabot kami ng ilang oras ni Michael mag-usap at iba’t ibang topics ang napapag-usapan namin. Natutuwa ako at sinabihan niya ako ng problema. Magaan siyang kausap at noong natapos na kaming mag-usap ay tinext niya ako.
   
 “Kaye, salamat sa oras   at salamat napagaan mo ang loob ko. Nakalimutan ko tuloy ang problema ko. Good night and sweet dreams.”
   
 “Wala yun. Good night na din.”
   
 Napakasaya ko at palihim na kinikilig habang kausap ko siya. Napasaya niya ang araw ko. Sana mag-usap uli kami.

Araw-araw kaming magkatext ni Michael at halos gabi ay tinatawagan niya ako. Alam na namin ang mga ayaw at gusto namin sa mga tao at bagay. Kilala na namin ang isa’t isa. Pero nakaka-guilty minsan dahil hindi ko pa sa kanya sinasabi na may cerebral palsy ako. Binabalak ko na sanang sabihin sa kanya pero natatakot ako at baka hindi na siya mag-reply.
   
 Isang linggo na kaming magka-text ni Michael at araw ngayon ng mga puso. Balak ko ng sabihin sa kanya ang totoo.
   
 “Good morning, Kaye! Pwede ko ba ikaw tawagan mamaya?” Ang text ni Michael.
   
 “Good morning din! Mamaya ka na tumawag, pagkatapos ko na lang kumain. Pwede ka ng tumawag.”   Sagot ko. Iniisip ko kung bakit niya ako hindi binati ng happy valentine. Lagi naman naming pinapag-usapan na malapit na ang valentine noong mga nakakaraang araw.
   
 “Good morning! Happy Valentine’s Day, anak.” Bati ni Mama sa akin.
   
 “Happy valentines din po Mama.”
   
 “Mukha ka yatang may problema. Umagang umaga nakasimangot ka.” Napansin niya sa akin.
   
 “Ma, wala po ito. Nagtataka lang kay Michael kung bakit hindi niya pa ako binabati. Pero gusto niya daw akong tawagan pagkakain ko.”
   
 “Baka gusto ka niyang batiin habang kausap ka. Mas sweet yon.”
   
 “Opo nga noh. Mas sweet.” Ang sagot ko kay Mama habang kinikilig.
   
 Pagkatapos kong kumain ng almusal at ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay nag-text na si Michael. “Tapos ka na  bang kumain? Pwede ko na ba ikaw tawagan?” at ang sagot ko, “Sige, pwede mo na akong tawagan.”
   
 Agad-agad ay tumawag na siya sa akin.
   
 “Happy valentines, Kaye.”
   
 “Sa iyo din.”
   
 “May tanong sana ako. Okay lang ba?” Sabi ni Mchael na parang nagdududa.
   
 “Ano yon?” Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
   
 “May pinuntahan ka ba kagabi?”
   
 “Oo. Sa restaurant na malapit lang dito. Bakit mo naitanong?”
   
 “Wala. May nakita ko lang si Ate Mae mo na may kasamang naka-wheel chair. Ang weird nga pero may bigla lang akong naisip. Pero imposibleng ikaw yon, Kaye.” Ani ni Michael na parang malungkot.
   
 Pagkasabi ni Michael ay binaba na niya ang cellphone. Alam na niya ang sikreto ko. Nakita niya kami ni Ate Mae na magkasama kagabi.
   
 Tina-try kong tawagan siya pero hindi niya ito sinasagot. Tinext ko na lang siya. “Hello Michael. Oo, Ako ang kasama ni Ate Mae. May cerebral palsy ako at hindi nakakalakad. Sasabihin ko talaga sa iyo ang tungkol dito pero natatakot ako dahil kapag nalaman mo i-reject mo na lang ako.”
   
 Ilang oras na at hindi pa din si Michael nagre-reply. Ang sama-sama ng loob ko habang hinihintay ko ang text niya. Pakiramdam ko niloko ko siya at galit din kay Michael. Iniisip ko na hindi niya ako matanggap na ganito ang kalagayan ko.
   
 Noong gabi, dumalaw sa akin si Ate Mae at dinala ako sa kwarto ko.
   
 “Anong nangyari? Tinext lang ako ni Tita na buong araw kang nakasimangot.” Sabi ni Ate Mae na alalang-alala.
   
 “Ate, nakita tayo ni Michael kagabi.” Sagot ko
   
 “Alam na niya?” gulat na gulat niyang tinanong sa akin.
   
 “Siguro. Dahil kausap ko siya at sabi niya nakita ka niya na may kasamang naka-wheel, ibinaba na niya ang telephono. Tinext ko din siya at sinabi ko na ganito ako.” Sagot ko habang malungkot at umiiyak.
   
 “Nag-reply naman ba?”
   
 “Hindi pa nga. Nakatatlong miss call na din ako.”
   
 “Hayaan mo na, Kaye. Huwag mo ng isipin ang mga walang kwentang tao at makikitid ang utak.” Niyakap ako ni Ate Mae at pinatahan.
   
 Sobrang nasaktan ako sa mga nangyari. Galit ako kay Michael pero naniniwala ako na may eksplenasyon ang lahat. Nagpapasalamat na lang ako na nandito si Ate Mae na nakadamay sa akin.

Michael’s POV

Ako si Michael, 21 yrs old. IT graduate. May nangyari sa akin noong pagkatapos ko ng college, nadisgrasya ako habang nagmamaneho noong pauwi na ako galing Maynila. Naapektuhan ang paa ko at nakatatlong opera na ako sa kaliwang binti. Ngayon nakasaklay na ako at lagi akong tine-therapy.
   
 Noon hindi ako lumalabas ng bahay dahil hindi ko matanggap na nakasaklay na lang ako pero unting-unti ko ito natanggap sa tulong ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko.
   
 Ngayon ay nagtratrabaho ako sa bahay bilang technician ng mga cellphone at computer. Nakakatulong naman sa pamilya kahit ganito ako. Ayaw ko naman maging pabigat sa kanila pagkatapos ng aksidente ko.
   
 Minsan,   nagkainan ang mga kaibigan ko sa bahay namin. May kinukulit akong kaibigan na si Mae. “Mae, tignan ko cellphone mo ha.
    
 “Sige. Pictures lang. Wag yung mga messages at mga contacts.” Sagot ni Mae.
   
 Tinignan ko ang mga pictures ni Mae. May nakita ako kasama niya sa isang picture, maganda, maputi at singkit. Tinanong ko ito kay Mae. “Sino tong kasama mo sa picture?”
   
 “Ahhh.. Pinsan ko yan. Lagi ko yan kasama.” 
   
 “Anong pangalan?” Pwede ko ba siyang maging textmate?” Tanong ko kay Mae.
   
   
 “Kaye ang pangalan niya, 18 years old. Mabait yan pero hindi ko sa iyo ibibigay ang number niya.” Sagot ni Mae na may alinlangan.
   
 “Mae, bakit naman? Makikipagkaibigan lang naman ako sa kanya.”
   
 “Baka paiyakin mo lang ang pinsan ko. Wag na. iba na lang.” ang taray na sagot ni Mae.
   
 “Ang over protective mo naman. Pero may kilala ka ba na napaiyak ko? Wala naman diba. Kilala mo naman ako. Hindi ako nagpapaiyak ng babae.”
   
 “Over protective lang ako sa pinsan ko na si Kaye dahil special siya sa puso namin. Oo nga naman mabait kang tao at wala ka pang napapaiyak na tao. Sige, papag-isipan ko kung bibigay ko sa iyo ang number niya. itetext kita mamayang gabi.”
   
 “Sige. Hihintayin ko yan Mae.”
   
 Natapos na ang kainan namin ng mga kaibigan ko. Hindi ko tinantanan sa kakatext si Mae. Kinabukasan na siya nagtext. “Sige. Ito na ang number ng pinsan ko: 09*********. Pero wag ka munang magtext dahil magkikita pa kami mamaya. Ayaw ko siyang mabigla dahil baka isipin niya basta basta ko lang ipinapamigay ang number niya.”
   
 Sinunod ko naman ang text ni Mae at tinext ko siya kinabukasan. Nakailang miss call at text ako kay Kaye. 
   
 Buti naman nagreply na noong bandang hapon. Mahiyain at parang may tinatago. Pero kalaunan ay nakikilala ko na siya. Kahit sa text ko lang siya nakilala ay parang close na kami. 
   
 Hindi ko sinabi na nakasaklay ako dahil nahihiya ako at baka hindi   niya ako matanggap. Sasabihin ko ito sa araw ng valentines. Sana ayos lang sa kanya.
   
 Noong minsan tinawagan ko siya sa cellphone, dahil sobra kong lungkot noong araw yon. Pinagaan niya ang loob ko. Parang may naramdaman akong kakaiba. Halos araw-araw magkausap kami at magkatext at parang nagustuhan ko siya kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal.
   
 Tinawagan ko si Mae minsan. Sampung ring na hindi pa din sumasagot. Tinawagan ko uli, salamat sinagot niya din. “Mae, pwede ko bang makita si Kaye?” tanong ko sa kanya.
   
 “Michael, hindi pa pwede. Alam ko may may sasabihin siya sa iyo pagkatapos ng isang linggo ninyong magka-text.”
   
 “May sasabihin lang ako sa kanya.”
   
 “Ano ba yon? I-text mo na lang siya.” Sabi ni Mae na nagsusungit.
   
 “May gusto lang akong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung kaya ko itong sabihin dahil sa kalagayan ko.”
   
 “Ano ba yon?” Tanong ni Mae.
   
    May nararamdaman na akong espesyal sa pinsan mo. Pero nahihiya ako dahil sa kalagayan ko na may saklay ako.”
   
 “Alam mo, hindi naman tumitingin si Kaye sa labas na kaanyuan. Sa Feb. 14 may sasabihin siya sa iyo. Matatanggap ka din niya. Malalaman mo din ang sinasabi ko.” Ani ni Mae na tuwinang may tinatago sa akin.
   
 Inunawa ko na lang si Mae at hinihintay ko ang araw na may sasabihin sa akin si Kaye. Lagi pa rin kami nagte-text at nagtatawagan. Pero hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko. Sana matanggap niya ako.
   
 Feb. 13: Niyaya ako ng aking tita na kumain sa isang restaurant. Nakita ko doon si Mae na may kasama ang babaeng naka-upo sa wheelchair. Bigla kong naisip na si Kaye ang kasama ni Mae. Gusto ko silang lapitan pero natakot ako. Dahil kung si Kaye nga ang kasama ni Mae, pareho kaming may kakulangan.
   
 Paano ko mamahalin ang taong iyo kung halos pareho kami ng kalagayan? Hindi ko siya maaalagaan. Nahihirapan ako at naguguluhan sa mga nakita ko.
   
 Kinabukasan, tinawagan ko si Kaye at tinanong ko siya at nalaman ko na nga na siya ang kasama ni Mae kahapon. Nag-text din siya at pinagtapat na niya ang kundisyon niya na may cerebral palsy siya.
   
 Nagpasya muna ako na hindi ko muna siya i-text at mag-iisip muna ako kung ipapagpatuloy ko ang especial na pagtingin ko sa kanya. 


End of POV



Tatlong araw na akong malungkot simula ng hindi ko na ka-text si Michael. Dahil ba sa hindi niya ako tanggap o hindi ko matanggap na wala kaming pag-asang maging kami? May gusto na ba ako sa kanya?

Hay. Parang gusto kong magkaroon ng amnesia pero selective lang. ie-edit ko lang, hindi niya ako nakita noong Feb. 13 kasama si Ate Mae. Hindi ko siya tinext ng meron akong cerebral palsy, nagpaalam na lang siya sa akin na may pupuntahan siya sa malayong lugar. Pero sa ibang banda hindi ko na mabubura ang lahat. Naisip ko din na kaya ko ito pinapagdaanan, hindi ako naging honest sa kanya at sa sarili ko. Sa susunod na mangyari sa akin uli ito, sasabihin ko na sa kanya na ganito ang kalagayan ko. Magiging honest na ako simula ngayon.

Isang gabi, tinawagan ako ni Ate Mae. “Kaye, ok ka lang ba? Kumusta ka na?” ang boses ni Ate Mae na alalang alala.

“Ate, ok lang ako. Huwag ka ng  mag-alala sa akin.”

Sinabi ko lang yun kahit hindi pa naman ako masyadong ok. Habang kausap ko siya ay bumabagsak aking luha mula sa aking mga mata. Hindi ko ito mapigilan at humihikbi na din ako

“Ok ka nga. Humihikbi ka nga diyan. Gusto mo puntahan kita dyan?”

“Huwag na. magiging ok din ako. Bigyan mo lang ako ng ilang araw at babalik din ako sa dati.”

“Sige. Ikaw ang bahala ha. Kaya nga pala ako napatawag, gusto kong mag-sorry sa iyo. Sorry ha.”

“Sorry? Bakit naman? Anong kasalanan mo?” takang taka ko itinanong kay Ate Mae.

“Sorry dahil binigyan kita ng textmate na tulad ni Michael. Mali ang akala ko sa kanya.”

Napaiyak na naman ako. Hindi naman kasalanan ni Ate Mae ang nangyari. Hindi niya naman kasalan na umiiyak ako ngayon dahil kay Michael. Madami naman akong natutunan at naging Masaya naman ako noong ka-text ko siya.

“Ate naman! Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Huwag ka mag-alala, malay mo may malaking dahilan si Michael kaya hindi na siya nagte-text.”

Habang nag-uusap kami, kumatok si Mama sa kwarto ko. Nagpaalam na ako kay Ate Mae at habang nagpapaalam ako kay Ate Mae, pinunasan ni Mama ang mga luha ko. At nung binaba ko na ang cellphone ko, niyakap ako niya. sobrang na-touch ako at hindi ko napigilan lumuha sa harapan ng aking Mama.

“Anak, nandito lang ako para iyakan mo at para ilabas mo ang sama ng loob mo. Alam mo kahit hindi mo sinasabi, alam kong nasasaktan ka.” Ani ni Mama habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Ramdam na ramdam ko malasakit ng aking Mama at ni Ate Mae. Kaya naisip ko hindi na ako iiyak at hindi na ako malulungkot dahil nandito naman ang mga nagmamahal sa akin at walang sawang pagaanin ang loob ko.

Minsan ng Linggo, niyaya ako ng aking magulang para kumain sa restaurant.

“Anak, tara kumain tayo sa paborito kong resto. Gusto mo?” aya ng aking papa

Tumango na lang ako. Ayoko sanang sumama kaya lang baka isipin nila na malungkot pa ako dahil kay Michael. Ayoko naman mag-alala sila sa akin.

Noong magtatanghalian na, nagpunta na kami sa restaurant na malapit sa amin. Inorder ni Papa ang lahat ng paborito kong pagkain. Sisig, kare-kare, cordon bleu at mango shake. Alam na alam ni Papa ang mga paborito kong pagkain.

“Anak, sarap ba?” Tanong ni Mama habang kumakain na kami.

“Opo nga. Ang sarap. Alam na alam ni Papa ang mga paborito kong pagkain.” Sabi ko sabay ngiti.

“Siyempre naman. Para sa ispesyal kong anak at mahal na mahal namin ni Mama.” Tumayo si Papa mula sa kinakaupuan niya at nilapitan ako. Niyakap ako bigla. “Anak, gagawin namin ng mama mo para sumaya ka lang.” Biglang naging emusyonal siya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Naging emusyonal na din ako sa mga sinabi ni Papa sa akin. Maluha luha na din ako. Hindi ko mapigilanan na pumatak ang luha ko mula sa aking mga mata. Ang tanging nasabi ko na lang ay, “I love you Mama and Papa. Salamat po sa suporta.”

Nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon na sila ang naging magulang ko. Laging nakasuporta at mahal na mahal ako. Mahal ko din sila kahit hindi ko napapakita at napaparamdam.

Kalaunan, nawala na ang pagiging emusyonal naming tatlo. Nagpapatawa na kasi si Papa at tawa naman kami ng tawa ni Mama. Kung komedyate lang si Papa, ako ang number 1 fan niya. kahit minsan corny natatawa pa din ako.

Habang nagtatawanan kami, napalingon ako sa banda kaliwa ng restauranrt. May nakita ako na lalaking nakasaklay na may kasamang mga kaibigan. Papunta siya malapit sa lugar namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,alam kong nakita niya ako. Noong malapit na siya, nakita ko na parang pamilyar sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Bigla na lang niya tinawag ang pangalan ko.

“Kaye, pwede ka bang makausap?” Tanong niya

Naalala ko lang sa boses. Si Michael pala ang nasa harapan ko. bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Tumango na lang ako.

“Sorry Kaye.” Narinig ko na sinabi niya.

“Kaye! Kaye, gumising ka na. uuwi  na tayo. Kanina ka pa nakatulala sa simula ng nakita mo yung lalaking nakasaklay.” Sabi ni Mama habang kinakalabit ako.

Nagising na ako sa katotohanan. Ilang minuto na din yata akong nakatulala. Nakita ko lang si Michael pero hindi niya ako nilapitan o kinausap. Alam kong nakita niya ako. Pakiramdam ko gusto niya akong lapitan pero nahihiya siya.

Pagdating namin ng aking pamilya sa bahay, tinatawanan nila ako sa nangyari sa restaurant.

“Anak, bakit ka natutula ng ilang sigundo noong nakita mo ang lalaking nakasaklay?” tanong ni Papa habang nakangisi.

“Oo nga, Anak. Crush mo siguro yung lalaki noh?” sabat ni Mama

“Mama, Papa, si Michael po yun. Akala ko po kasi lalapitan niya ako pero hindi naman pala.” Gusto kong umiyak pero naisip ko masisira ang araw nila. Kaya nagbiru na lang. “Mama, opo. Ang gwapo kaya napatunga na ako sa kanya.”

Tawa ng tawa sila at habang ako naman malalim ang iniisip ko. Bakit ganun? Nasasaktan na naman ako. Parang tinutusok ang puso ko. Gusto ko sumigaw. Bakit niya ako hindi nilapitan?

Pagkatapos ng kwentuhan namin nila Mama at Papa, nagpabuhat na ako papunta ng kwarto ko. Habang nagpapahinga ako kama ko itinext ko si Ate Mae.

“Ate Mae, naasaklay ba si Michael?”

“Oo, naaksidente kasi siya noong pagka-graduate niya. pero sabi ng mga doctor niya, pagsamantala naman ang saklay niya. Bakit mo natanong?” sabi ni Ate Mae

“Nakita ko si Michael kanina.”

“Oh, anong nangyari? Nag-usap ba kayo?” gulat na gulat na tanong ni Ate Mae.

“Wala. Nakita ko lang siya sa restaurant. Nakatingin siya sa akin at mukhang lalapitan niya ako. Pero parang nag-aalangan siya.”

Mangiyak ngiyak na ako. Hindi ko na na-replyan si Ate Mae dahil sa sobra lungkot ko. ngayon ko lang na-realize na pareho lang kaming hindi naging honest sa isa’t isa.

Sana baling araw makausap ko siya. Para mapaliwanag ang side ko. Kung bakit hindi ko sinabi na meron akong cerebral palsy. Natatakot lang kasi ako at baka mawalan ako ng kaibigan  at baka hindi niya ako tanggapin.
----------
Chapter 10
(Point Of View of Michael)
Isang araw, niyaya ako ng aking dalawang pinsan na pumunta sa isang restaurant. Ayoko sanang sumama dahil gusto ko lang magkulong sa aking kwarto. Laging malungkot. Laging nakatulala.

Siguro dahil sa nangyari sa amin ni Kaye. Iniisip ko kung okay ba siya. Nalungkot ba siya ng hindi ko na siya tinext. Sana maayos lang siya. Okay lang kaya si Kaye?

“Kuya Michael, nakikinig ka ba? Nakatulala ka na naman.” Sabi ni MJ.

“Oo nga, Kuya. Kanina ka pa dyan. Walang imik.” Sabi naman ni Matt.

“Ha? Ano nga ba ang sinabi ninyo?” tanong ko sa kanila.

“Kuya, hindi ka nga nakikinig. Kanina pa kami nag-aaya magpunta sa restaurant dyan sa kabilang kanto.” Sagot ni Matt.

“Ano Kuya? Sasaama ka ba? Sumama ka na para maiba naman. Lagi kang nakatulala noong mga nakaraang araw.” Sabi ni MJ na parang concern na concern sa akin.

Tumango na lang ako. Para minsan naman mawala naman sa isip ko si Kaye. Ang textmate ko ng isang linggo at hindi ko na tinext dahil nalaman ko na meron siyang cerebral palsy. Naguluhan ako sa panyayari. Gusto kong ipagpatuloy ang friendship namin pero naduduwag ako dahil sa nahuhulog na ako sa kanya.

7 days na pangungulit, tawanan at nakilala ko si Kaye na positive sa buhay. Natatakot ako  paano kung magkamabutihan kami. Natatakot ako na hindi ko siya maalagaan kapag naging kami o nanligaw ako sa kaya dahil ganito ang kalagayan ko. nakasaklay. Hay… Paano ba to? Ano ang gagawin ko?

Nasa restaurant na kami nila Matt at MJ. Nasa harapan kami ng counter. Nag-uusap kung ano ang io-order namin.

Napatingin ako sa gawing kanan. Napatulala ako. Biglang kinabahan ng nakita ko si Kaye. Naisipan kong lapitan siya pero nagdadalawang isip ako. Naduduwag ako.  Pupuntahan ko kaya siya? Paano kung awayin ako ng kasama niya?

Nagpaalam ako kila MJ at Matt. “Guys, pupunta muna ako ng CR. Paki order na lang ako cordon bleu.”

Hindi ako nagpunta ng CR. Lumapit ako kay Kaye ng dahan dahan. Noong malapit na ako sa kanya, nakita ko na nakita niya ako. Nakangiti sa akin parang bang wala akong ginawang masama sa kanya.

Noong malapit na ako sa kanya, tinawag ako nila MJ at Matt.

“Kuya, ano ang ginawa mo dyan? Nandoon ang CR.” Sabi ni Matt sabay turo sa CR.

Hindi ko na napuntahan si Kaye dahil hindi alam nila MJ at Matt ang tungkol kay Kaye. Na naging textmate kami. Laking paghihinayang ko na hindi ko nalapitan siya. Hindi ko nakausap at hindi ako nakapag-sorry.

Nagpunta ako ng CR para hindi mahalata ng dalawa na pupuntahan ko si Kaye. Pagkatapos noon, nagpunta na ako sa lamesa namin at hinintay ang mga order namin.

Bigla akong natanong ni MJ: “Kuya, saan ka nga pala pupunta noong nakita ka namin ni Matt? May nakita ka bang kakila?”

Napatulala ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. magsisinungaling ba ako o sasabihin ko ang katotohanan? Siguro dapat din nilang malaman ang totoo. Matagal na din nila ako tinatanong kung bakit ako laging malungkot at tulala.

“May nakita ako. Siya ang naging textmate ko. pero may kasalanan ako sa kanya.” Sagot ko sabay buntonghininga.

“Sino doon?” Tanong ni Matt

“Yung nakaupo sa wheelchair. Magso-sorry sana ako. Dahil hindi na ako nagtext noong sinabi niya sa akin na meron siyang cerebral palsy.”

“Hah? Ano pa ang hinihintay mo Kuya? Dalian mo, puntahan mo na siya uli.” Sabi ni MJ.

“Oo nga Kuya. Mag-sorry ka na.” Sabi naman ni Matt.

Napaka-supportive talaga ng dalawang pinsan ko na ito. Kahit na noon pang hindi ako naaksidente. Lagi nila ako tinutulungan lalo na noong nag-aaral ako ng collage. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Lalo na kay Tita Anna na kanilang nanay. Sinagot ang mga gastusin ko noong naaksidente ako. Laking pagpapasalamat ko talaga sa kanila.

Dali-dali ako tumayo at pinuntahan ko ang si Kaye kung saan ko siya nakita. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ako magso-sorry sa kanya. Bahala na si Batman.

Noong nakarating na ako sa lamesa nila Kaye, nakita ko na lang ang babaeng nagliligpit ng pinagkainan nila.

“Miss, nasaan na yung babaeng naka-wheelchair dito?” tanong ko sa waitress.

“Sir, kakaalis lang po.” Sagot ng waitress.

End of POV
Hindi ko na siya naabutan. “Ano ka ba Michael? Pagkakataon mo kanina pero umalis ka. Pagkakataon mo ng mag-sorry kay Kaye.” Ayun lang ang laman ng iniisip ko na galing sa puso ko. nagsisi. Naghinayang sa pagkakataon.

Noong umuwi na kami sa bahay-bahay nila MJ at Matt, nakita ko si Mae na nag-aabang sa akin sa bahay namin.

“Ano ang ginawa mo kay Kaye?” Tanong ni Mae sabay niya ako hinampas sa balikat ng malakas.

“Mae, nakita ko sa restaurant si Kaye. Lalapitan ko na sana siya kaya lang---“ napahinto ako at napayuko.

“Kaya lang? Ano? Naduwag ka. Ganun ba?” Sabat ni Mae. Mukha siyang galit na galit sa akin

“Kaya lang tinawag ako nila MJ at Matt. Kaya hindi na ako nakalapit sa kanya. Pero noong nasa lamesa na kami namin nasabi ko kanila na nakita ko si Kaye. Kiniwento ko din naging textmate siya at ang lahat na nangyari sa amin.”

“Tapos? Ano? Pinagtawanan ka nila siguro at hindi mo na nilapitan si Kaye. Tama ba ako?”

“Hindi. Sinabi pa nga nila na lumapit ako sa kanya. Tapos nilapitan ko ulit siya kanilang lamesa. Pero ----“ Napailing na lang ako at napahinto sa pagkikwento ko.

“Pero? Ano?”

Hindi ako makapagsalita. Naisip ko si Kaye. Ano kaya ang naramdaman niya noong hindi ko siya nilapitan? Siguro umuiiyak na yun dahil sa akin. Ano ba ang ginawa ko?

Ilang segundo akong hindi nakasalita. Napailing na lang.

“Pero hindi ko na naabutan si Kaye sa lamesa. Tinanong ko naman sa Waitres pero sabi niya kaalis lang nila.”

“Ganun ba? Eh anong balak mo ngayon?” Tanong ni Mae. Kitang kita sa mukha niya na parang apektado din siya nangyari.

Napabuntong hininga na lang ako at nag-isip. “Gusto kong mag-sorry sa kanya. Aayusin ko ang mga kamalian ko.”

“Gusto mo tulungan ko kayo?” Sabi ni Mae. Sabay ngiti.

“Oo naman, Mae. Alam mo, may sasabihin akong importante sa iyo.” Sobrang kinakabahan ako sa sabaihin ko sa kanya. Natigilan na naman ako na parang computer na nagha-hang. Ganito ako kapag madaming iniisip.

“Michael, ano yung sasabihin mo? Kanina pa akong naghihintay sa sasabihin mo. Nakatulala ka na naman dyan.” Sabi ni Mae.

“Mae, nahuhulog na ako kay Kaye. Sa tingin ko nga ay mahal ko na talaga siya. Pero natatakot ako. Paano kung may humadlang? Paano kung ayaw ng pamilya sa akin? Ganito kasi ang kalagayan ko at pareho kami ng kalagayan. Paano ko siya maalagaan?” madali kong sinabi kay Mae habang nakayuko.

“Wow, mahal mo ang pinsan ko. walang hahadlang sa taong nagmamahalan. Ang mahalaga ngayon na magso-sorry ka ngayon. Sa ibang araw mo ng isipin yung mga what ifs mo. Malay mo pareho pala kayo ng nararamdam sa isa’t isa.” Sabi ni Mae na tuwang tuwa sa kanyang narinig.

Nagsimula na kami sa pagplano para maging maayos na kami ni Kaye. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari. Basta alam ko gusto ko siyang makita at makapag-sorry sa kanya.
-=
Kinabukasan, hindi ko pa din makalimutan ang nangyari sa akin sa restaurant.  Hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ni Michael. Bakit kaya hindi niya tinuloy ang pagpunta sa akin? Nahiya kaya siya? O baka naman galit. Madaming pumapasok sa isipan ko.

3:23pm

Nakatanggap ako ng text galing kay Ate Mae. “Kaye, pupunta ako dyan. Magbihis ka. May pupuntahan tayo.”

“Saan?” Takang taka ako sa text niya. Bakit kaya biglaan? Dati kasi kapag nag-aaya siya pinagpapaalam muna niya ako kila Mama.

“Sa park na malapit sa dagat. Huwag kang mag-alala at na-text ko na si Tita.” Reply ni Ate Mae.

Tinanong ko muna si Mama habang nanonood kami ng TV sa sala. “Ma, nagtext po ba sa iyo si Ate Mae?”

“Oo. Pumayag na ako na magpunta kayo sa Park. Sabi niya itutulak ka niya papunta doon.” Sagot ng aking mama habang busy sa panonood ng TV.

Noong wala pa akong cellphone, TV lang ang aking libangan. Ngayon kapag ayaw ko ng palabas, nagse-cellphone na lang ako. Minsan nagpi-picture, minsan naman naglalaro ng games.

Minsan naisip ko na kung TV lang ang libangan ko hindi ako magkakaroon ng textmate. Hindi ko makikilala si Michael. Hindi ako masasaktan ng ganito. Pero naisip ko ganito talaga ang buhay. May dapat kang pagdaanan para maging matatag.

“Hindi ba nakakahiya? Sabi ni Mama itutulak mo ako papuntang park. Huwag na kaya.” Text ko kay Ate Mae.

“Ano ka ba? Nahihiya ka pa dyan. Sumama ka na.” reply niya na parang galit.

“Sige na nga sasama na ako.” Reply ko kay Ate Mae.

4:10pm

Sinundo na ako ni Ate Mae. Nagpunta na kami ng park.

Napakaganda pala sa park na yun. Madaming mga batang naglalaro, mga magulang na nagbabantay sa kanilang mga anak at mga taong namasyal din tulad namin ni Ate Mae. Maaliwalas ang paligid. Ang ganda ng mga ulap na kulay bughaw.

Habang tinutulak ako ni Ate Mae, napahinto siya harapan ng padulasan. Malapit doon ay may bangko. Kinuha niya ang bangko papunta sa akin at umupo.

“Ang sarap mamasyal, Ate Mae. Salamat ah.” Ani ko sa kanya sabay ngiti.

“Ano ka ba Kaye? Pasalamat ka ng pasalamat dyan. Mamaya iwanan kita dyan.” Biro niya sa akin.

Tumawa na lang kami.

Napatigil na lang siya na parang may gustong sabihin.

“Teka, pwede bang mapag-usapan natin si Michael?” biglang naging seryoso siya.

Nagulat at kinabahan ako sa tanong ni Ate Mae. Parang ayokong sagutin ang tanong niya. ayoko dahil baka umiyak lang ako sa pagsagot. Ayokong makita niya ako emosyonal.

Pero wala naman akong magagawa kaya pumayag na lang at pag-usapan ang nakaraan. “Sige Ate.”

“Paano kung magkita uli kayo ni Michael tapos mag-sorry siya sa iyo. Papatawarin mo ba siya?” tanong ni Ate Mae.

“Siguro oo. Kung maganda ang pag-eexplain niya kung ano ang nangyari.”

Habang nagkwekwentuhan kami ni Ate Mae, may tumawag sa aking pangalan. Nakaramdam ako ng takot. Parang kilala ko ang boses. Kaya lumingon ako sa kanya. Nakita ko si Michael na parang emosyonal.

“Kaye, I am sorry sa mga ginawa ko. Sana mapatawad mo ako.” Sabi ni Michael habang lumuluhod siya. Binitawan niya ang kanyang saklay.

Pinigilan ko siya para hindi na lumuhod. “Michael, huwag ka ng lumuhod.:”

“Sorry talaga sa mga nangyari.” Sabi ni Michael

Tumayo si Ate Mae sa kanyang kinauupuan. Binigay niya ang  upuan kay Michael para umupo.

“Kaye, Michael, bili muna ako ng makakain ha. Iwanan ko muna kayong dalawa.” Sabi ni Ate Mae na ngating ngiti na parang may ibig sabihin.

“Nag-usap ba kayo ni Ate Mae?” Tanong ko kay Michael.

“Oo. Nag-usap kami kahapon. Pagkatapos kong makauwi sa bahay. Gusto ko talagang mag-sorry sa iyo. Ayun nagplano na kami para magkita tayo.” Sagot ni Michael.

Napabuntong hininga siya at nagsimula sa kanya pagpapaliwanag kung bakit niya ako hindi nireplay noong nalaman niya meron akong cerebral palsy. Mukhang sising sisi siya sa mga nangyari. Pinaliwanag niya din kung bakit hindi niya ako tuluyan nilapitan sa restaurant. Binalikan niya pala ako noong nakaalis na kami.

Mukhang totoo naman ang sabi ni Michael sa akin. Naawa ako sa kanya. Napaka-emosyonal niya sa mga oras na yun. Parang gusto ko siyang yakapin pero hindi ko ito nagawa.

“Michael, pinapatawa na kita.” Sabi ko.

“Kaye, may dapat ka pang malaman.” Sabi niya Michael.

“Ano yun?”

“Nahuhulog na ako sa iyo. Kaya kita hindi tinext, naduwag ako dahil baka may humadlang sa nararamdaman ko sa iyo. Kaye, gusto kita at gusto kitang maging girlfriend.” Bigla niya akong hinawakan sa kamay.

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Kinilig ako pero ayokong ipahalata. Nag-isip isip sa mga sinabi niya. Natulala ng ilang segundo.

“Michael, nakakabigala naman ang mga sinabi mo. Pwede bang friendship muna. Alam kong madami tayong pinag-daanan. Pero masyado kang mabilis.”

Oo, gusto ko si Michael pero ayoko munang magpaligaw sa kanya o magkaroon kami ng relasyon. Natatakot akong masaktan muli. Ayoko muna.

“Ok. Friends muna tayo. Alam kong nabigla kita pero gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko.” sabi niya.

Sa wakas. Nagkaayos na kami ni Michael. Simula noon lagi na kaming nagkikita. Minsan dinadalaw nila ako sa bahay kasama sila Ate Mae, Matt at MJ. Masaya dahil nadagdagan ang mga kaibigan ko. Minsan din namamasyal din kami kasama sila Mama at Papa.

Lagi din kami magka-text ni Michael. Lagi niya akong pinapadalahan ng mga sweet quotes. Lagi niya din ako sinasabihan na liligawan niya ako kapag wala na siyang saklay. Gusto niya kasi kapag buo na ang pagkatao niya saka niya ako liligawan. Pero para sa akin simula na yun ng panliligaw niya. Dahil napapamahal na siya sa akin.

After 2 years ng masasayang araw namin, bigla na lang siyang naglaho. Wala na kaming kominikasyon ni Michael. Ewan ko kung bakit pero name-miss ko siya.

Napamahal na rin sa akin si Michael. Naghihintay na lang ako panliligaw niya. Kapag tinatanong ko sila Mama at Papa tungkol kung manliligaw siya, sa tingin ko naman ay pasado si Michael sa kanila.

Isang araw, tinawagan niya ako. “Kaye, pupunta ako dyan.”

Nasa sala ako habang hinihintay si Michael. Kinilig ako sa kanyang tawag. Ewan ko ba kung bakit. Parang may nararamdaman lang ako na magandang mangyayari.

After 4 munites na paghihintay sa kanya. Dumating na siya at may dala dalang bulaklak.

”Hi Kaye.” Pagbati ni Michael. Bigla niyang binitawan ang kanyang saklay at pumunta palapit sa akin.

Bigla akong nagulat sa nakita ko. Natuwa din  ako para sa kanya.

“Michael, nakakalakad ka na,” Sabi ko sabay ngiti.

“Para sa iyo Kaye.” Inabot niya sa akin ang bulaklak. Tapos bigla niya akong niyakap. “Kaye, heto na ako sa harapan mo. Buo na ang pagkatao. Mahal na mahal kita Kaye.” Bulong niya habang umiiyak.

Iyak din ako ng iyak habang niyakap niya ako. Sobrang ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Mahal ko din siya ng sobra. Kahit noong nakasaklay siya.

“Michael, may ipapaalam din ako sa iyo.” Sabi ko.

“Ano yun?” Tanong niya sa akin.

“Mahal din kita.” Sagot ko kay Michael.

“Tayo na?” Tanong niya na parang gulat na gulat.

Tumango na lang ako bilang pagsagot ng oo. Sabay ngiti.

Hindi ako natatakot kung may hahadlang sa aming relasyon. Pinasok ko ito na walang alinlangan. Basta ang alam ko nagmamahalan kami.

The End

No comments: